Fifth Solomon, ikinuwento kung paano pinaghandaan ang pangalawang pelikulang ididirek na ‘Sana Muli’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fifth Solomon, ikinuwento kung paano pinaghandaan ang pangalawang pelikulang ididirek na ‘Sana Muli’

Fifth Solomon, ikinuwento kung paano pinaghandaan ang pangalawang pelikulang ididirek na ‘Sana Muli’

Leo Bukas

Clipboard

Going places na as a director si Fifth Solomon na produkto noon ng Pinoy Big Brother. After ng directorial debut niyang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga ay in the works na ang kanyang second film titled Sa Muli.

Ang Sa Muli ay pagbibidahan nina Xian Lim at Ryza Cenon mula sa Viva Films.

“This is my second feature film after Nakalimutan Kong Kalimutan Ka kaya super excited ako,” bulalas ng batang director na naging busy sa pagdidirek ng commercials last year.

Bukod sa Viva, gagawa rin ng pelikula si Direk Fifth sa Cineko Productions at Ten17P ngayong 2020.

ADVERTISEMENT

Hindi ba siya nahirapang i-penetrate ang malalaking film companies tulad ng Viva at kombinsihin ang mga boss nito nai-produce ang kanyang pelikula?

Sagot ni Fifth, “Mahirap siya. Lahat naman ng bagay mahirap sa simula. Pero pag mahal mo yung ginagawamo napapadali ka. Tsaka very collaborative naman yung Viva sa akin.”

Natagalan ng konti bago i-green light ng Viva ang kanyang project. Ang dahilan -- naghanap pa ng tamang casting para sa pelikula.

“Pero nung binigay naman ng Viva sa akin sina Xian at Ryza, wow, sobrang worth it yung paghihintay ko. Perfect yung cast,” reaksyon ng director.

Aminado si Fifth na ang nakakakabang moment sa kanyang work bilang director ay ang pagpe-present ng istorya sa mga bosses ng Viva.

“Actually, kinabahan ako no’n. Ang ginawa ko, tinungga ko yung isang (tasang) kape. Nilabas ko yung pagka-bakla ko kasi mas matapang yung bakla, eh, kesa yung lalaki. Kasi nga, iba-iba yung personality ko, sabi ko, ‘Ay babaklain ko ito kasi mga big bosses.’ So ayun naikuwento ko naman sa kanilanang maayos,” he said.

Samantala, ang Sa Muli ay isang period romcom kaya iisiping mahal ang budget ng pelikula. Pero madali raw naman silang nagkasundo ng Viva.

“Ako, gusto kong tulungan yung mga producers ko lalo na yung mga pelikula ngayon, ang hirap ‘di ba, so nakikipagtulungan ako when it comes to budget, naiitndihan ko sila,” sey pa niya.

Ibinahagi rin sa PUSH ni Direk Fifth ang proseso ng paggawa niya ng Sa Muli.

Aniya, “Pag nagsusulat kasi ako parang ako yung nagiging pelikula. Alam mo yon, nagiging ganun yung karakter mo, medyo nababaliw ka. Tapos nag-research din ako, nanood ako ng mga movies, naghanap pa ako ng historians.

“Yung nakausap kong historian tinanong ko kung realistic ba, kung ginagawa ba ito nung 1900. Ang dami mo ring matututunan kasi ang bilis nila, isang tanong mo alam na nila agad. Tapos nanood din ako ng Hirayamanawari, Bayani para makita ko rin kung realistic yung mga salitaan (dialogue).

“Tapos kumuha ako ng mga magagaling din na tao, yung production design ko, yung wardrobe ko – gumagawa na talaga sila ng mgap elikula makaluma gaya ng Rizal.”

Ayon pa sa director, may mga passionate at intimate scenes sina Xian at Ryza sa pelikula pero nakasisiguro daw siya nagagawin ito in a very tasteful way.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.