Joseph Marco, Ritz Azul, and Miles Ocampo reveal their secrets to happiness | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joseph Marco, Ritz Azul, and Miles Ocampo reveal their secrets to happiness

Joseph Marco, Ritz Azul, and Miles Ocampo reveal their secrets to happiness

PUSH TEAM

Clipboard

Their onscreen characters in the film The Missing may all be searching for something to complete their lives, but in real life, lead stars Joseph Marco, Ritz Azul, and Miles Ocampo reveal what makes their lives complete and how others can find happiness and contentment just like them.

Joseph Marco

“Hindi ko masasabing may missing sa life ko kasi I’m contented kung anong meron ako but may mga gusto akong marating, may mga gusto kang ma-achieve, so hindi naman mawawala yun eh. At this point of my life, I just want to focus in terms of improving myself, how am I going to be a better person, how am I going to be a better actor, a better son, a better brother.

“Lahat naman tayo at some point nararanasan natin yung there’s something missing. And especially when we’re young because we always want to prove something. It’s either tungkol ito sa family mo or like a girlfriend or career. Yun yung nangyayari talaga.

Content comes with maturity. Once you get to that point na mas na-a-appreciate mo na yung mga bagay na meron ka, instead of looking ano ba yung nawawala. I’ve experienced that at some point. But now I’m content and I’m happy.”

ADVERTISEMENT

Ritz Azul

“Kuntento kasi ako sa buhay ko eh. Feeling ko walang missing ngayon. Masaya lang talaga ako and kasi yung ugali ko, ayokong naghahanap para kapag hindi siya dumating, hindi ako masasaktan.

“Parang halos lahat ng nangyari sa buhay ko ganun, yung showbiz hindi ko siya hinanap, hindi ko sya na-pray na sana makapasok ako ng showbiz pero nakapasok ako. Ang saya. Tapos yung fiancé ko hindi ko rin siya hiniling pero dumating siya so ganun. Kaya lagi kong sinasabi sa tao na maging kuntento ka lang sa buhay mo, gawin mo lang maging masaya ka lang and kapag may dumating, take mo lang bawat opportunidad na pumasok sa buhay mo and gawin mo yung best mo.

“Lagi akong naghahanap ng kapatid so yun yung the missing sa buhay ko nun and sobrang thankful ako nung dumating yung kapatid ko ngayon, sobrang blessed. And before, aside from kapatid hinahanap ko, siguro confidence, the missing yung confidence ko noon. Bigla akong nagkaroon ng contentment na sobrang punong punong contentment thinking yun yung pinaka sagot para mawala yung mga na-fi-feel natin na missing sa buhay natin kaya kailangan natin maging kuntento kung anong meron tayo.”

Miles Ocampo

“Dapat kuntento tayo sa buhay natin pero siguro kung meron akong isang bagay na kulang lang sa akin siguro yung college diploma ko na siguro kapag nakuha ko siya, pag natapos ko siya, yan yung isang bagay na masasabi kong makakapagpabuo sa akin. Mushy man pakinggan pero siguro isa yun.

“Lahat tayo nakakaranas ng ganun, na may kulang sa atin or may mga questions. Lalo na ganitong pandemic, yung mga nanagyari itong mga nakaraang buwan madami tayong questions, ang daming mga plano natin na di natupad, ang mga gusto nating puntahan. Hindi siya mawawala eh, yung part ng missing sayo. Mapa-personal, mapa-trabaho, nawawala din minsan yung motivation mo, yung inspiration mo to do things.

“Pero at the end of the day, all you have to do is acknowledge kung ano yung missing na yun. The more na isantabi mo yung thought that merong missing sa ‘yo, the more na sinasabi mo sa tao na strong yung personality mo, the more na mahirap kang mag-cope eh. The more na mahirap kang maka-move on ulit sa isang bagay. So i-acknowledge mo kung anong missing sa buhay mo, sa feelings mo, and then from there, saka ka gumawa ng step kung para mabuo ulit yung sarili mo.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.