• Home
  • Fresh Scoops
  • Tulad ng marami, dumaan rin sa hamon si Marlo Mortel nitong 2020.

Marlo Mortel, isa sa mga natulungan ni Father Suarez?

Tulad ng marami, dumaan rin sa hamon si Marlo Mortel nitong 2020.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/25/2020 08:00 AM
Marlo Mortel, isa sa mga natulungan ni Father Suarez?
Photo credit: @marlomortelmusic IG

Hindi itinanggi ng aktor na si Marlo Mortel na isa siya sa mga nakaranas ng matinding anxiety attack nitong mga nakaraang buwan ng 2020.

Kasunod ito nang malaking pagbabago sa buhay ng karamihan sa buong mundo dahil na rin sa ipinapatupad na lockdown protocols.

 


 

“I had a big turnaround in my life nung pandemic. I went through a season of anxiety, malala naman siya,” bungad ni Marlo sa panayam.

Ayon pa kay Marlo: “It's not because I lost job, personal yung pinagdaanan ko. I thought di ako makaka-move on from that,”aniya.

Para sa aktor, blessing na makasama siya sa 2020 Metro Manila Film Festival entry na Suarez: The Healing Priest na relate na relate siya dahil na rin sa spiritual healings ng kanilang proyekto.

"Anything is very relatable kasi it speaks about hope and faith kay Father Suarez as a healing priest. Ako naman as a Christian, si God talaga ang naging takbuhan ko. Wala namang nagbabago, His mercies are new every morning. He continues to save you every time,” ani Marlo.

"I'm really happy that I'm moving forward, mas na-experience ko si God. I've been a Christian all my life, pero I never talk about God sa mga tao, sa mga fans ko,” sambit pa ni Marlo.

Dahil na rin sa iba’t ibang challenges, tila Marlo found another purpose in his life.

"After that, I found my purpose in life and that is to share His words. Nagagawa ko yun sa KUMU, yung mga fans ko dun, nasasama ko sila sa church."

Naniniwala rin si Marlo, ang Diyos ang naging takbuhan niya sa pag dating ng unos sa kaniyang buhay.

"Sa totoo lang, through God lang talaga, kasi ang faith, ang pananampalataya can move mountains. It can really erase or wash out fears, all your doubts, all your bad experiences if you just believe,” sabi pa niya.

Mapapanood ang Suarez: The Healing Priest sa December 25 sa pamamagitan ng digital streaming na Upstream na partner ng MMFF sa pagpapalabas ng mga pelikula ngayong new normal set up.