• Home
  • Fresh Scoops
  • Suportado nina Lotlot at Matet de Leon ang kanilang kapatid na si Ian de Leon matapos ang rebelasyon nito tungkol sa kanilang inang si Nora Aunor.

Matet, Lotlot de Leon nagbigay suporta kay Ian De Leon matapos magsalita tungkol sa inang si Nora Aunor

Suportado nina Lotlot at Matet de Leon ang kanilang kapatid na si Ian de Leon matapos ang rebelasyon nito tungkol sa kanilang inang si Nora Aunor.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/16/2020 10:58 AM
Matet, Lotlot de Leon nagbigay suporta kay Ian De Leon matapos magsalita tungkol sa inang si Nora Aunor
Photo Credit: @ms.lotlotdeleon and @misismatet Instagram

Suportado nina Lotlot at Matet de Leon ang kanilang kapatid na si Ian de Leon matapos ang rebelasyon nito tungkol sa kanilang inang si Nora Aunor.

Sa kanyang live session sa YouTube na may pamagat na "The Bitter Truth" nitong Linggo, Disyembre 13, ipinaliwanag ni Ian kung bakit hindi siya sumipot sa party na inihanda sa kanya ng ina para sa kanyang kaarawan. 

 


 

READ: Ian De Leon reveals bitter truth about relationship with mom Nora Aunor: ‘This hypocrisy has to end’

“Unang una sa lahat, tumawag ang mommy ko. Tuwang-tuwang tuwa ako kasi ilang taon kaming hindi nag-usap. Tuwang-tuwang tuwa ako dahil nag-I love you-han kami, nag-I miss you-han kami. Nagkuwentuhan kami. Plano niya nitong birthday ko maghahanda siya which ilang taong hindi nangyari 'yun. Nung nangyari siguro 'yun huli bata pa ako. Of course, don’t get me wrong, I was truly happy. I was overfilled with joy. Nagbago ihip ng hangin. Lahat ng problema ko, lahat ng pinagdadaanan ng pamilya ko, lahat yun nawala nung sinabi ng mommy ko na magpaplano siya at magkikita kami itong birthday ko. Tuwang tuwa na ako,” pagbahagi niya.

Ngunit nasaktan umano siya na matapos ang kanilang pagu-usap ay nag-text ang kanyang ina upang ipaalam sa kanya na ilalagay sa vlog ang kanilang muling pagkikita.

"Bitter truth: 'Yung phone call mo, nasaktan ako dahil kinabukasan tinext mo ako ng, ‘Anak, puwede ko bang gawing vlog ang pinag-usapan natin?’ Sumunod dun mayroon siyang gustong ipapunta na tao. Sagot ko, 'Sorry, Ma. I don't think na magiging comfortable kami,’” dagdag pa niya.

READ: After son Ian De Leon’s revelation, Nora Aunor thanks her youngest son Kenneth

Sa kanyang birthday greeting para kay Ian, ipinagtanggol ni Lotlot ang kanyang kapatid laban sa mga bashers.

 

 

"Iyan po ang problema,” sagot ng aktres sa isang netizen na pumuna kay Ian sa hindi nito pagsipot sa party na inihanda ng kanilang ina. “May nabasa lang kayo at isang panig lang narinig niyo nanghuhusga kayo agad.

“Nakapanig na po kayo agad ni hindi niyo alam ang mga totoong nangyayari. Wag po ganun. Puro kasinungalingan lang ang binabato."

Samantala, sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Matet ng quote na nagsasabing: "Some people are really so delusional that they think it’s disrespectful when you don’t just sit back and allow them to continue to disrespect you.”

 

 

Sa caption nito, naghayag ng sama ng loob ang aktres laban sa mga "Noranians" o ang loyal fanbase ng kanyang inang si Nora.

“Para kaming nakatali, naka-busal, habang sinasampal sampal," ani Matet.

Shop at LAZADA’s 12.12 After Party Sale

Si Ian ay biological son ni Nora sa dating asawa na si Christopher de Leon, at adopted children naman nila sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth.