Isang pagkilala mula sa Gawad Amerika ang tinanggap ni Superstar Nora Aunor nitong November 21.
Ang Gawad Amerika ay binubuo ng Filipino community sa United States na naglalayong bigyang pagkilala ang mga contributions ng mga personalidad mula larangan ng Arts and Entertainment, Business, Politics, and Education.
At sa 19th edition ng Gawad Amerika, si Nora Aunor ang awardee para sa Lifetime Achievement Award in Performing Arts para sa kanyang timeless contribution sa larangan ng pelikula.
Sa pamamagitan ng virtual ceremony, idinaos ng Gawad Amerika ang pagbibigay parangal sa mga outstanding Filipino na hindi personal na makakadalo para tanggapin ang kanilang pagkilala.
Sa posted virtual acceptance speech, pinasalamatan ng Superstar ang pagkilala na ibinigay sa kanya ng Gawad Amerika.
Bukod kay Nora Aunor, tumanggap din ng pagkilala sina Ricardo Brown for Lifetime Achievement Award for Education, Erwin Tulfo at Senator Ramon Bong Revilla Jr. na parehong tumanggap ng Lakandula Award.