Angel Locsin, ikinabahala ang pagkawalang-bahala ng DepEd kaugnay sa isyu ng isang guro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angel Locsin, ikinabahala ang pagkawalang-bahala ng DepEd kaugnay sa isyu ng isang guro

Angel Locsin, ikinabahala ang pagkawalang-bahala ng DepEd kaugnay sa isyu ng isang guro

PUSH TEAM

Clipboard

Nangamba sa pagkawalang bahala ng aktres na si Angel Locsin ang pahayag na inilabas ng Department of Education (DepEd) Occidental Mindoro kaugnay sa isang module kung saan tinawag siyang “obese.”

Ani Angel, hindi siya naaapektuhan sa mga pang-iinsultong gaya ng kanyang natanggap mula sa isang guro dahil alam niya sa kanyang sarili kung sino at ano siya.

Ngunit inamin ni Angel na napahinto siya nang mabasa niya aniya ang pahayag ng DepEd patungkol sa isyu na kinasangkutan ng nasabing guro.

“I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am. I intended to ignore this issue, but when I read deped’s statement, aba teka lang,” saad ni Angel.

Ani Angel, lubos niyang ikinababahala ang pagtuturo ng maling balarila o grammar sa mga mag-aaral at ang tila pagkawalang-bahala sa diskriminasyong itinuturo ng guro sa kaniyang mga estudyante.

ADVERTISEMENT

What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children,” aniya.

Dagdag pa ni Angel, hindi niya maatim ang ideya na tinuturuan ng pambabastos at pangungutya ang mga kabataan.

Sambit ni Angel: “Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?”

Nanawagan naman si Angel sa DepEd na pagtuunan ng pansin ang mga ganitong isyu lalo pa’t nakasalalay umano sa kanila ang hinaharap ng milyun-milyong kabataan.

“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo naka salalay ang pag-asa ng ating milyon-milyong kabataan,” saad niya.

Sinabi naman ni Angel na dapat umano humingi ng paumanhin ang guro sa kanyang mga estudyante dahil sa ginawa nitong module.

“The said teacher should apologize to his students and all the students that read the module,” saad ni Angel.

Malaki umano ang pasasalamat ni Angel na nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng mga gurong tinuruan siya ng tamang asal.

“I am fortunate that I had teachers who value good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them,” aniya.

Una nang naglabas ng pahayag ang DepEd Occidental Mindoro at humingi ng paumanhin kaugnay sa nangyari.

We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident. The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments,” ani Division Superintendent Roger F. Capa.

Umapela din ito sa publiko at sinabing tigilan na ang pang-aatake sa nasabing guro sa social media.

This Office had already communicated with the concerned teacher and gathered facts from him. Rest assured that this matter will be given serious attention. Meanwhile, we appeal to the public to spare him from any ad hominem attacks as this single mistake will not define him as a person,” aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.