• Home
  • Fresh Scoops
  • Inuulan ng reposts at retweet ang legitimong social media page ni Angel Locsin para tugunan ang pagtulong sa mga kababayang stranded sa baha.

Angel Locsin, ginamit ang social media influence para makapagsalba ng buhay

Inuulan ng reposts at retweet ang legitimong social media page ni Angel Locsin para tugunan ang pagtulong sa mga kababayang stranded sa baha.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/13/2020 10:08 AM
Angel Locsin, ginamit ang social media influence para makapagsalba ng buhay
Photo credit: @therealangellocsin Instagram

Todo sa pag-repost ang aktres na si Angel Locsin ng mga social media posts ng ating mga kababayan na na-stranded sa kanilang mga tahanan.

Kasunod ito ng storm signal number 4 sa Metro Manila na dahilan ng pagbaha sa mabababang lugar sa Marikina at ilang karatig bayan nito.

 


 

 

 

Sa isang Facebook post rin ni Angel, inihayag niya ang pag gamit ng kaniyang social media influence para maipaabot sa kinauukulan ang paghingi ng tulong ng mga kabayang naipit sa baha.

 

 

“Hi guys! kung may mga post kayong nakikita na nangangailangan ng rescue, i-comment lang dito para ma-share. Baka sakaling makatulong tayo. Ingat tayong lahat lalo na ang ating mga disaster front-liners. #RescuePH” pahayag ni Angel.

Bukod sa social media influence ng aktres, sunod-sunod rin ang pag repost ni Angel sa mga numero na maaring tawagan sa oras ng pangangailangan at sakuna.

 

 

Hinangaan si Angel sa kaniyang pagtulong kahit sa ganitong paraan.

Kamakailan lang, nagpaabot ng financial assistance si Angel sa pamamagitan rin ng social media ang “Typhoon Rolly Assistance Initiative” kung saan 1,000 beneficiaries ang natulungan ni Angel na makapag simula sa isang libong financial assistance.

Si Angel Locsin ay isa sa most followed Filipina personality sa Facebook, Twitter, at Instagram.