• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang first runner-up na si Ysabelle Roxas Ysmael ang pamangkin ng dating Miss Univere 1973 Margie Moran.

Margie Moran, proud sa achievement ng pamangkin sa Miss Universe Philippines

Ang first runner-up na si Ysabelle Roxas Ysmael ang pamangkin ng dating Miss Univere 1973 Margie Moran.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/27/2020 03:59 PM
Margie Moran, proud sa achievement ng pamangkin sa Miss Universe Philippines
Photo Credit: @margie_moran and @bellaysmael Instagram

Isang pagbati para kay 2020 Miss Universe Philippines first runner-up Ysabelle Roxas Ysmael ang ipinaabot ni 1973 Miss Universe Margie Moran. Si Ysabelle ay pamankin ng former Miss Universe.

Sa social media, ipinagmalaki ng 1973 Miss Universe ang naabot ng kanyang pamangkin na baguhan pa lamang sa larangan ng mga beauty pageant.

“The first runner up is my Champion” bungad na caption ni Margie sa kanyang post. “Ysabella Roxas Ysmael. You were a stand out but the purpose designed for you is greater than you can imagine.”


Bahagi rin ng caption ng pangalawang Pinay Miss Universe ang quote ni Matshona Dhliwayo.

“‘A star does not compete with other stars around it. It just shines.’ Matshona Dhliwayo. We love you for who you are,” pahayag ng 1973 Miss Universe.

 

 

Mababasa rin sa comment section ang pasasalamat ni Ysabella sa kanyang Tita.

“I love you, Tita Margie. Thank you for the overflowing love, never ending support, and loving guidance.”

 

 

Stand out si Ysabella sa kanyang naging Miss Universe performance kung saan markado ang kanyang flawless tornado walk na hinangaan ng maraming pageant fans.

Si Rabiya Matteo ang itinanghal na 2020 Miss Universe Philippines sa naganap na coronation day nitong October 24 sa Baguio Country Club.