• Home
  • Fresh Scoops
  • Madaming maintrigang rebelasyon tungkol sa live-in partner ni Tekla ang ibinunyag ng mga kakilala nito.

Live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag, abusado at manloloko ayon sa isang singer-actor at sa manager ng Klownz

Madaming maintrigang rebelasyon tungkol sa live-in partner ni Tekla ang ibinunyag ng mga kakilala nito.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2020 05:01 PM
Live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag, abusado at manloloko ayon sa isang singer-actor at sa manager ng Klownz

Tinawag na makapal ang mukha ng dating Pilipinas Got Talent contestant at singer-actor na si Rowell Quizon ang live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag kaugnay ng mga akusasyon nito sa komedyante. Matagal ding nakatrabaho ni Rowell sa mga comedy bars si Tekla bago pa ito naging TV personality.

Sa Facebook post ni Rowell ay ipinagdiinan din niyang abusado at walang utang na loob si Michelle.

Simulang post ni Rowell, “Di na ko makapagtimpi sa ‘yo, makapal mukha mo Michelle…Nakita ko kung gaano ka minahal ni Tekla...”


Naungkat na rin sa post kung ano ang gender ng live-in partner ni Tekla.

“TOMBOY ka ‘di ba?  Pag may show si Tekla kasama mo pa jowa mong babae. Nilunok ni Tekla yung galit maging masaya ka lang. Pati tropa ng jowa mo na isang katutak ang ino-order sa bar makapagpasikat ka lang.

“Lahat ng order n’yo unli. Yung taong nagpeperform abono pa sa TF (talent fee) niya sa laki mg bill ng na-order n’yo. Kapal ng mukha mo  masyado mong pinasama si Tekla. Napakahayop mo,” tuluy-tuloy pang post ni Rowell.

“Nakasama ko si Tekla sa back stage ng Klownz,  tumatawag siya sa ‘yo, tinatanong ka kung anong gusto mong kainin after ng show niya. Mahal na mahal ka ni Tekla kahit abusado ka. Tangina ina, napakawalanghiya mo.

“One time pumunta ka sa backstage kinukulit mo si Tekla na nasa labas na yung magdadala ng shabu. Inaway mo pa si Tekla, alam mong magso-show yung tao. Sa kabila nung galit ni Tekla ay isinantabi niya yung inis,” litanya ulit niRowell.

Speaking of illegal drugs, aminado si Tekla na gumagamit talaga siya noon ng droga na naging dahilan ng pansamantalang pagkalugmok ng  showbiz career niya.

Ayon pa kay Rowell, walang naging pagkukulang si Tekla kay Michelle at sa mga kasama nito sa bahay.

“HINDI NAGKULANG SI TEKLA SA ‘YO O SA INYO. SADYANG ABUSADO KA LANG! Hindi pa nagsisimula ang show ni Tekla nagrereklamo ka na, ubos na yung bucket na nilapag sa mesa n’yo. Ganun kakakpal ang mukha mo. Nagtrabaho yung tao para lang sa kasiyhan ng tropa mo at jowa mong babae.

“Alam mo kung saan ka parteng naging bobo Michelle? Nagreklamo ka sa Raffy Tulfo In Action na ikaw mismo ang malaglaglag sa sarili mo. Very wrong ka,  akala mo naka-jackpot na kayo na binigyan kayo ng financial ng ganun ganun lang. Makapal mukha mo, abusado ka Michelle. Wala kang utang na loob,” pagdidiin pang singer-actor.

Bukod kay Rowell ay nagbigay din ng patotoo ang manager ng Klowz Comedy Bar na si Marlon Limpin sa tunay na ugali ni Michelle. Manloloko naman kung i-describe ni Marlon si Michelle.

“Eto pa gawain niyan. Manager ako ng Klownz. Gagamitin niya phone ni Tekla habang tulog at itetext ako na nang hihiram ng 20k, akala ko si Tekla. Sasabihin mo over ang gamit ng ATM. Yon pala ikaw lang Michelle ang kausap ko at napahiram pa kita tapos isusugal mo lang at pangsa-shabu.

“Ilan na ba kami niloko mo? Ultimo si Boobay at Donita Nose at manager ni Tekla ginawa mo rin yan gamit ang phone ni Tekla. At ito pa, nag-book ka ng show sa inquiries sa phone ni Tekla at kukunan mo lang ng down.

“Ang kawawang si Tekla, sa kahihiyan ni Tekla, ibabalik niya ang mga perang ginalaw mo, kawawang Tekla. At ninanakawan mo pa siya talaga kada tulog siya. Paano ka hindi tataguan ng pera ni Tekla?” tuluy-tuloy na pahayag ng manager ng Klownz na dating pinagtrabahuhan ni Tekla.