• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto ibinahagi kung ano ang mga mami-miss niya kay Joshua Garcia ngayong wala na siya sa Star Magic.

Anu-ano ang mami-miss ni Julia Barretto kay Joshua Garcia?

Julia Barretto ibinahagi kung ano ang mga mami-miss niya kay Joshua Garcia ngayong wala na siya sa Star Magic.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2020 02:08 PM
Anu-ano ang mami-miss ni Julia Barretto kay Joshua Garcia?
Photo Credit: @juliabarretto Instagram

Ibinahagi ni Julia Barretto kung anu-ano ang mami-miss niya sa dating ka-love team at boyfriend na si Joshua Garcia ngayong nasa Viva Artists Agency na siya pagkatapos magpaalam sa Star Magic.

“Well, first I think, mami-miss ko yung makatrabaho ang isang mahusay na aktor. He’s a very good actor, so ayun. Pangalawa, yung pagiging talagang maalaga niya sa set, sa akin.

“And siguro, pangatlo, yung friendship namin dahil maganda ang pagkakaibigan namin na hanggang ngayon naman ay magkaibigan pa rin kami,” lahad ni Julia.


When asked kung paano nila na-save ni Joshua ang kanilang friendship pagkatapos nilang maghiwalay as a couple ay nagbigay din siya ng paliwanag.

Ani Julia, “Siguro, it’s just important na kayong dalawa willing to save the friendship. Kasi kung isa lang sa inyo yung may gusto no’n hindi talaga mase-save yung friendship. Pero kung from both ends naman, eh, nagpapakita ng effort na ma-save yung friendship magiging maayos kayo.

“At saka maganda yon, di ba, while you’re moving forward with your life alam mong lahat ng nando’n sa past mo, eh, maayos ang naging ending. So, masaya ako at natutuwa ako na naging maayos naman yung ending naming dalawa at lumabas kami ng breakup namin nang mas mature at mas mabuting tao.”

Regarding the possibility na bigyan niya ulit ng pagkakataon ang posibleng pagbabalikan nila ni Joshua, meron ding pahayag dito ang aktres.

“I think we’re both just really moving forward with our lives already. Hindi na kami parehong talagang eager to go back to the past,” sabi agad niya.

“Parehong klaro sa aming dalawa na we’re friends now and we’re going to move forward, but nonetheless I wish him best and I hope that whoever he ends up with sana ay talagang mahalin siya at alagaan siya nang mabuti.

“But as for me, I’m really moving forward and I’m very, very happy so there’s no need to go back,” muli niyang pahayag.

Samantala, handa naman si Julia na mag-guest sa vlog ni Joshua at napag-usapan na raw nila ang tungkol dito.

“Actually napag-usapan na namin yan, eh. Gusto niya akong mag-guest sa vlog niya. Gusto niyang mag-collaborate kami sa vlog niya pero adventure daw, adventure yung gusto niya,” huling pahayag ng dalaga.