• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging biktima ng sindikato si Andrea Del Rosario kaya matagal bago napunta sa kanya ang biniling bahay.

Andrea Del Rosario, binalikan ang naipundar na bahay dahil sa ABS-CBN

Naging biktima ng sindikato si Andrea Del Rosario kaya matagal bago napunta sa kanya ang biniling bahay.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/17/2020 11:46 AM
Andrea Del Rosario, binalikan ang naipundar na bahay dahil sa ABS-CBN
Photo credit: Andrea Del Rosario Facebook Page

Isang sentimental post ang ibinahagi ng actress-politician na si Andrea Del Rosario sa kanyang Facebook account.

Kuha ang isang bahay sa exclusive village sa Parañaque City, binalikan niya ang isa sa mga naiupundar niya noong siya ang nagsimula bilang isang aktres sa ABS-CBN.


Almost 20 years ago,  this was the first house I  bought when I became an actress. I was then under ABS-CBN,” sabi pa ng aktres sa post.

Sa pagsisimula noon ni Andrea sa bagong tahanan, marami ang hindi nakakalaam na naging biktima siya noon ng sindikato.

Shortly after I paid for the property, someone contested regarding my ownership of the said house. To make the long story short, I got involved with a syndicate and because of failing to post bond I lost possession of the house and have been in this case battle for years,” kuwento pa ni Andrea.

At matapos nga ang 20 taon na pakikipaglaban para sa kanyang karapatan sa naipundar na tahanan, masayang ibinalita ng aktres na nakuha niya nang muli ang tahanang minsang naagaw sa kanya.

Until recently, because of an amazing legal team,  I won the case! In the next few days, with the help of a sheriff, I will finally get the possession of the house again. Almost 20 years of heartache. God you’re truly amazing! Thank you, Lord!” pahayag pa ni Andrea sa post.

Si Andrea Del Rosario ay dating bahagi ng Star Magic batch 3 ng ABS-CBN kung saan kasabayan niya sina Paolo Contis, Chesca Garcia, Kaye Abad, Carlos Agassi, at Piolo Pascual.

Nawala man sa Star Magic, gumawa naman ng pangalan si Andrea bilang isa sa original member ng all female novelty group na Viva Hot Babes na ginawa ni Vic Del Rosario.