SB19, gustong makilala bilang Pinoy Pop group | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SB19, gustong makilala bilang Pinoy Pop group

SB19, gustong makilala bilang Pinoy Pop group

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

Sa Rated K, kinwento ng ng Pinoy pop group na SB19 kung ano ang prosesong pinagdaanan nila para mabuo sila.

Ayon kay Stell na isa sa mga members ng grupo, sumailalim sila sa audition at elimination process. “Last 2016 yung company po namin, which is Show BT Philippines Corporation po, nag-held po sila ng isang malaking audition po. Naghahanap po sila ng mga talented Filipinos na gustong maging professional performers po. And then every week po meron po kaming evaluation, tapos dun po sa evaluation na yun nababawasan po lahat ng trainees until sa natira po kaming lima,” aniya.

Ang grupo ay binubuo nina Stell, Sejun, Josh, Justin at Ken. Nag-train sila sa ilalim ng isang Korean entertainment company. Ayon pa kay Justin, hindi biro ang training na pinagdaanan nila.“’Pag may hindi parehas ulit, pag may hindi pantay na block ulit.” Dagdag pa nito, ito daw ang tinatawag na Korean intensive training.

Halos two years ang naging training ng SB19 at kasama sa hinasa sa kanila ang body conditioning, dance and vocal training, disiplina at pati na rin kung paano nila aayusin ang kanilang sarili.

ADVERTISEMENT

READ: SB19, muntikang mabuwag bago pa man mag-umpisa bilang pop group

Ganunpaman, ayaw daw nilang makilala bilang isang K-pop group, kundi P-pop group. “Nag-undergo lang po kami sa training, pero ang target po talaga namin is Pinoy pop po,” ani Josh.

“Bilang Filipino, hindi po namin gustong kalimutan kung saan po kami nanggaling so gusto po naming ipakita sa buong mundo na yung mga Filipino kaya din po yung talent na ginagawa katulad sa Korea,” dagdag pa ni Justin.

2018 ni-launch ang grupo at ang first released song sila ay “Tila Luha,” na sinundan naman ng newly released upbeat song nila na “Go Up.” Sinulat ng grupo ang “Go Up” at ni-record nila ito sa Korea.

Rebelasyon pa nila 30 times a day (para makabuo ng 1000 times of practice) nila pina-praktis ang “Go Up” bago nila ito ni-release.

Pangarap lang para sa SB19 noon ang maging world class performers, pero ngayon abot kamay na nila ito at titiyakin nilang dala pa rin nila ang tatak ng pagka-Filipino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.