‘Love, iuwi na lang kita’: Matteo Guidicelli, ikinuwento ang pag-aalala ni Sarah Geronimo habang na sa Scout Ranger Training siya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Love, iuwi na lang kita’: Matteo Guidicelli, ikinuwento ang pag-aalala ni Sarah Geronimo habang na sa Scout Ranger Training siya

PUSH TEAM
Published Jul 06, 2019 09:14 PM PHT

Sa loob ng isang buwan ng kaniyang training sa Scout Ranger Orientation Course, proud ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli sa kaniyang pagtatapos nang may special awards nang makamit ang pinakamataas na marka sa kaniyang batch.

Ayon sa aktor, hindi naging madali ang kaniyang training. Ikinuwento pa niya sa mga momshie hosts sa Magandang Buhay ang 'tusok ulo' na ginagawa nila doon na nagpaiyak sa kaniya sa unang linggo niya pa lamang.

"It is known to be ranger's bow, kapag may kasalanan kami, kunyari late sa formation or kahit anong [pagkakamali]. Yung first week ko doon, pinag-tusok ulo kami doon, lumabas yung luha ko agad. Umiyak talaga ako yung unang tusok ulo ko," kuwento niya sa episode ng Magandang Buhay kahapon, July 5.

Sa parehong interview din ay inamin ng aktor na minsan siyang dinalaw ng nobyang si Sarah Geronimo sa mismong tent na tinutulugan. Dito ay kinuwento ni Matteo na kinaawaan daw siya ni Sarah at gustong siyang pauwiin.

ADVERTISEMENT
"She visited me one time. Nakita niya 'yung tent namin doon. 'Yung tent namin kasama ko, 'yung isang buddy ko, ang pangalan niya si Cañete, taga-PMA, buddy ko 'yon. Ganito lang [kaliit], dito ako, diyan siya. Tapos 'yung gamit namin, tapos nasa sahig kami.

"Nakita ni Sarah 'yung tent ko. Sabi niya, 'Love, iuwi na lang kita, please. Huwag na tayo dito,'" sabi ni Matteo.

Sa kabila ng paghihirap sa kaniyang isang buwang training at hindi pagpayag ng mga mahal sa buhay sa una, naging maganda naman ang naging pananaw ni Matteo sa mga natutunan niya sa pagiging bahagi Army Reserved Force o pagiging Scout Ranger.

"Actually nung sinabi ko kina papa, at mama, at Sarah (Geronimo) ayaw nila, pati yung boss ko si Boss Vic. Pero gustong gusto ko [to]. Sabi ko, I think the experience I will develop and learn from here is something that can't be taken away from me," dagdag niya.

Samantala, kinuha rin ni Matteo ang oportunidad ang guesting niya sa morning talk show na hikayatin ang mga kapwa artista na sumali rin sa Army Reserved Force. Kuwento niya, tinext niya mismo si Daniel Padilla para yayain pumasok rin ng training.

"Tinext ko siya, [sabi ko] 'DJ, I'm inviting you to join the Army Reserved. Not just you, lahat ng kapwa artista ko, lalaki o babae man, I invite you guys to join the Army Reserved, it's not for us but it's for our country kumbaga," paliwanag ni Matteo.