Lea Salonga, nagbigay saloobin sa pagiging National Artist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lea Salonga, nagbigay saloobin sa pagiging National Artist

Lea Salonga, nagbigay saloobin sa pagiging National Artist

Kiko Escuadro

Clipboard

Labis na kasiyahan ang ipinaabot ng Broadway Diva na si Lea Salonga para sa mga bagong hirang na National Artist ng Pilipinas.

Kabilang na dito ang kilalang maestro na si Ryan Cayabyab na isa sa kasama ni Lea sa pagbuo ng kanyang bagong album na Bahaghari.

At dahil napag-usapan ang pagiging National Artist, hindi naiwasan na maitanong ng entertainment press sa singer ang kanyang reaksyon kung sakaling ihanay siya sa mga ito.

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

"Ay I dunno, ayoko, ayaw kong isipin kasi hindi naman 'yun ang nagiging motivation for me to do what I do. It's never it, it should not be it," tugon ni Lea sa panayam ng press.

ADVERTISEMENT

"Kung mangyari e di good, kung hindi mangyari also good," aniya.

Para sa international award winning singer-actress, tama lang ang panahon na kinilala na ang mga Pinoy artist sa kanilang naging ambag sa kanilang larangan.

"I'm glad that there are still artists recognized for the breadth of their work, sa lawak ng kanilang naging contribution to Philippine culture via whatever their artistic field happens to be. I was ecstatic for Larry Alcala who is included this year and Tito Bobby Mañosa [Francisco Mañosa] so I'm glad that it still going na kahit papaano our artists that have done so much for our country have been recognized," paliwanag ni Lea.

Samantala, positibo din si Lea para sa tamang panahon ng pagiging isang National Artist ni Nora Aunor.

"It will happen... Maybe not in this administration but it will happen because you cannot deny her body of works," pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.