Direk Joel Lamangan, balik MMFF sa ‘Rainbow’s Sunset’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Direk Joel Lamangan, balik MMFF sa ‘Rainbow’s Sunset’

Direk Joel Lamangan, balik MMFF sa ‘Rainbow’s Sunset’

Leo Bukas

Clipboard

Matagal na walang pelikulang ipinalabas sa Metro Manila Film Festival si Direk Joel Lamangan. Blue Moon pa ng Regal Films noong 2006 ang huli niyang entry. Ang Blue Moon ay pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennelyn Mercado.

“This is my coming back kasi matagal akong hindi nag-MMFF, di ba? Pero nung araw ako ang reyna ng MMFF. May mga panahong tatlo-tatlo ang entry ko, tapos biglang stop, kaya ito na ang aking comeback,” kuwento ng premyadong director sa PUSH nang makausap namin siya after the intimate press preview ng Rainbow’s Sunset held at Fishermall VIP Cinema.

Ang Rainbow’s Sunset na prinodyus ng Heaven’s Best Entertainment ay pinagbibidahan ng tatlong beteranong artista na sina Eddie Garcia, Tony Mabesa, at Gloria Romero. Tungkol ito sa isang dating senador (Eddie) na sa edad 80 ay umaming nakarelasyon niya ang lalaking kaibigan (Tony) habang asawa niya ang karakter ni Gloria.

Official entry ang pelikula sa 2018 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT

Mahirap bang ididirek ang mahuhusay na artistang tulad nina Gloria, Tony, at Eddie? Hindi ba siya kinabahan?

“Hindi. Mas mahirap lang pag-umpisa kasi napaka-intilehente nila, eh. Kailangan alam mo ang isasagot mo sa kanila lalo kay Eddie at kay Gloria, at siyempre kay Tony din.

“So you have to explain, ganito, ganyan, kailangan mong i-explain or else baka tilian ka,” sagot ni Direk Joel.

Hindi rin daw naging problema sa director kung may mga eksena siyang gustong ipagawa sa tatlo.

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila yung ibang eksena na gusto kong gawin kagaya nung kailangang maghalikan kayong dalawa (Eddie and Tony). Pero hindi naging problema kasi si Eddie Garcia pa ang nagtanong, ‘Oh, where is the kissing scene?’

“Sabi ko, ‘Ah, sige, ganito lang ang kissing scene ha, huwag torrid,’ sabi ko sa kanila. Sabi naman ni Tony, ‘Oo naman, hindi naman kami magto-torrid.’ Kaya smack lang, yon lang yung ano.

“Napaka-cooperative nung dalawang matanda, even Gloria Romero, very cooperative, very good, very daring,” tuluy-tuloy pa niyang kuwento.

Base sa napanood namin, kitang-kita ang magandang chemistry ng tatlong veteran actors on screen.

Lahad ni Direk Joel, “Eh, kasi magkakilala na sila talaga. Si Tony Mabesa, umaarte yan sa mga pelikula ni Eddie Garcia. Si Tony Mabesa at Gloria Romero naging mag-asawa na sa pelikula kaya meron silang rapport. And then they really take care of each other.

“During the shooting, pag nagkakamali ang isa, ‘It’s okey, it’s okey.’ Mabait si Gloria.”

Ano ba ang dapat maging take away ng moviegoers sa kanya latest masterpiece?

“That they should be intillegent enough to accept na may mga taong iba naman sa kanila, they should be accepted as human beings. Hindi naman sila dapat pagtawanan, hindi naman sila dapat laitin o dapat tingnan ng kakaiba kasi tao din sila, they should be treated as such, at pantay kahit kanino.

“Na sa kabila ng lahat na pangit na mga nangyayari, lahat naman ito ay talo ng pagmamahal. Anumang diperensiya, ang mananaig ay pagmamahal sa bawat isa,” sey pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.