EXCLUSIVE: Jesi Corcuera, gustong makaharap si Jake Zyrus: ‘Marami kaming pag-uusapan’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Jesi Corcuera, gustong makaharap si Jake Zyrus: ‘Marami kaming pag-uusapan’

EXCLUSIVE: Jesi Corcuera, gustong makaharap si Jake Zyrus: ‘Marami kaming pag-uusapan’

Leo Bukas

Clipboard

Sa interbyu ng PUSH, eksklusibong ipinahayag ng dating Pinoy Big Brother housemate at transman na si Jesi Corcuera na five years na siyang nag-i-inject ng testosterone.

Testosterone is a male sex hormone that is important for sexual and reproductive development.

Ano ba ang epekto nito sa katulad niya na gustong maging lalaki or magkaroon ng gender reassignment?

“Kapag nag-inject ka niyan bumababa yung boses mo. Pero depende rin kasi sa effect ng gamot sa katawan ng tao. Merong mas nag-i-improve na bumaba o lumiit yung chest nila, meron namang hindi nababago,” kuwento ni Jesi.

ADVERTISEMENT

Medyo may kamahalan din daw kada injection ng testosterone.

“Pag nagpapa-shot po ako sa Makati Med, P13K po per shot. Hindi kasi siya puwede na isang shot lang, eh, continuous po kasi dapat yon.”

Eh, hanggang kailan ba dapat tinuturukan ng testosterone ang gustong maging transman?

“Maximum of 15 years po dapat,” sagot niya sa amin.

Dagdag pa niya, “Ang isa pa sa effect ng gamot ay hindi na magkakaroon (menstruation). So, kung decided ka na mag-stop, kailangan mong magpatanggal ng matres.”

Ang guwapo ni Jesi na meron pang konting bigote nang mainterbyu namin siya. Hindi mo talaga aakalaing dati siyang babae noon.

Lalaki na ba talaga ang tingin sa kanyang ng mga tao ngayon?

“Lalaki na talaga,” pag mamalaki pa niya. “Kasi sa CR din ako ng mga lalaki pumapasok. Siyempre, nakaka-ano naman sa mga babae kung makikita nila ako sa girls room.

“Actually, nung hindi pa ako nakakabalik ng showbiz, nung hindi pa ako nakakapasok ng PBB, siyempre yung Jesi na nakita nila before, 10 years ago, eh, yung girl pa.

“Pero ngayon, dahil pumasok ako sa PBB may mga nakakakilala na, ‘Ay trans yan,’ okey lang,” kuwento pa niya.

Samantala, hindi pa daw niya nakikita ng personal ang kapwa transman niyang si Jake Zyrus.

Aniya, “Hindi pa kami nag-meet. Busy siya, eh. In-invite ko siya para mag-guest sa YouTube channel ko pero sa ngayon kasi marami siyang schedule, eh.

“In-invite ko siya para… kasi minsan sa channel ko, nagkukuwento ako about transition, like katulad niya, bago pa lang siya, gusto kong magbigay ng advice sa kanya na hindi pa niya alam kasi three months o five months pa lang ata siya (nagiging transman).

“So, marami pa siyang (dapat malaman), mahaba-haba pa.”

Ikinatuwa naman ni Jesi na finally ay nag-come-out na rin si Charice Pempengco.

“Siyempre, nakaka-proud. Sobrang nagulat din ako kasi siyempre nagkaroon na siya ng lakas ng loob na mag-out talaga.

“Nag-tweet din ako sa kanya nung nalaman ko yon. Nag-reply naman siya tapos may mga interbyu siya about sa akin.

“Sobrang gusto ko siyang ma-meet talaga. As in, marami kaming pag-uusapan, sobrang marami,” pagtatapos ni Jesi sa PUSH.

Read More:

Jesi Corcuera

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.