Charo Santos, Jaclyn Jose, Paolo Ballesteros at Allen Dizon, big winners at the 15thGawad Tanglaw | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Charo Santos, Jaclyn Jose, Paolo Ballesteros at Allen Dizon, big winners at the 15thGawad Tanglaw

Leo Bukas
Published Feb 09, 2017 08:30 PM PHT

Hindi pa kumpleto ang listahan ng winners ng 15th Gawad Tanglaw Awards para sa television category pero may spoiler na kung sinu-sino ang nananalo sa acting department para sa mga pelikulang ipinalabas last year.
Dalawa ang winners ng Gaward Tanglaw sa bawat kategorya ng Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actress at Best Supporting Actor.

Para sa Best Actress, winner si Charo Santos para sa pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na idinirek ni Lav Diaz. Naging entry ng Pilipinas ang pelikula sa 73rdVenice International Film Festival kung saan napanaluna nito ang prestihiyosong Golden Lion Award.

Ka-tie naman ni Charo for Best Actress si Jaclyn Jose ng pelikulang “Ma’Rosa” na idinirek ni Brillante Mendoza. Sa naturang pelikula rin nanalo si Jaclyn ng Best Actress sa 69th Cannes International Film Festival.

Sa Best Actor, wagi naman si Paolo Ballesteros ng pelikulang “Die Beautiful” na entry ng Regal Entertainment sa 2016 Metro Manila Film Festival at idinirek ni Jun Lana. Si Paolo din ang nanalo sa Gabi ng Parangal ng MMFF at sa Tokyo International Film Festival kaya pangatlong Best Actor trophy na niya ito.

ADVERTISEMENT
Ang bida naman ng pelikulang “Iadya Mo Kami (Deliver Us)” ng BG Productions na si Allen Dizon ang naka-tie ni Paolo. Bago ang Gawad Tanglaw, nanalo na rin si Allen ng Best Actor sa performance niya sa Iadya Mo Kami sa 13th Salento International Film Festival sa Italy at sa 4th Silk Road International Film Festival sa Dublin, Ireland.

Tulad ni Paolo, pangatlong Best Actor trophy na rin ito ni Allen mula sa “Iadya” movie na idinirek naman ni Mel Chionglo.

Sa Best Supporting Actress, winner naman sina Aiko Melendez ng “Iadya Mo Kami” at si Susan Africa ng “Hele Sa Hiwagang Hapis.”

Sina Xian Lim ng pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema at Jess Mendoza ng pelikulang “Pauwi Na” at “Purgatoryo” ang nag-tie sa Best Supporting Actor.

Solo winner naman for Best Director si Lav Diaz para sa dalawa niyang obra – ang “Ang Babaeng Humayo” at “Hele Sa Hiwagang Hapis” – na parehong nagwagi ng international awards sa Venice at Berlin International Film Festival.

Samantala, tatlong pelikula naman ang tinanghal na Best Film ng Gawad Tanglaw. Ito ay ang mga pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis,” “Ang Babaeng Humayo” at “Pamilya Ordinaryo.”

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT