Raikko Matteo, Lyca Gairanod, Marco Masa lead ‘Tatlong Bibe’ cast | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Raikko Matteo, Lyca Gairanod, Marco Masa lead ‘Tatlong Bibe’ cast

Raikko Matteo, Lyca Gairanod, Marco Masa lead ‘Tatlong Bibe’ cast

Leo Bukas

Clipboard

021617-TatlongBibe_PUSH.jpgAng tatlong batang artista from Star Magic na sina Raikko Mateo, Lyca Gairanod at Marco Masa ang pinagkatiwalaan ni Direk Joven Tan at ng Regis Entertainment na magbida sa pelikulang Tatlong Bibe na ipapalabas on March 1.

Ayon kay Direk Joven, hindi siya nahirapang kunin ang tatlong bata sa pelikula dahil madali raw namang kausap ang Star Magic.

“Mababait naman po yung mga taga-Star, lagi naman po silang tumutulong, sina Roxy (Liquigan), tumutulong po sila kung may project ako na kailangan ko ng talents sa kanila.

“So, parang give and take din lang kasi lahat ng songs ko nasa Star Music. So kung kailangan ko ng artista nila, madali silang kausapin. Lagi po silang nakasuporta. Sinusuportahan po nila lahat ng ginagawa kong projects,” paliwanag ng director.

Eh, ano naman kaya ang pakiramdam nina Marco, Lyca at Raikko na hindi ang Star Cinema ang nagbigay ng big break sa kanila sa pelikula kung hindi ang isang independent producer na tulad ng Regis Entertainment?

ADVERTISEMENT

“Hindi naman po kami malungkot o masaya, ang wish lang naman po namin ay magkasama po kami sa movie. Hindi naman po namin sinasabi na, ‘Sayang, dapat sa Star Cinema,’ kasi po ang gusto lang po namin, eh, makagawa po kami ng palabas na makaka-antig po sa mga taong manonood nito,” pahayag ni Marco na nagpa-wow sa entertainment press.

Sey naman ni Lyca, “Siyempre po masaya rin ako na mapapanood na ako sa pelikula. Na bukod sa pagkanta, artista na rin pala ako. Hehehe.”

Ayon naman kay Raikko, “Masaya pa rin po, kasi para sa akin po, wala namang pinagkaiba ang movie na ito sa Star Cinema.”

Suportado naman daw ng ABS-CBN ang tatlong bata sa promo ng pelikulang Tatlong Bibe at makakapag-promote sila sa ilang shows ng ABS-CBN.

Hindi ba parang nabantilawan na ang pelikula lalo pa nga’t hindi ito naipalagas sa 2016 MMFF?

“Sa tingin ko hindi naman, kasi sabi nga, di ba, araw-araw naman may himala, araw-araw naman gusto pag-ibig so yon ang gusto naming pausuhin—na kahit January, February, March bata love, love, love na parang puro Christmas everyday,” katwiran ng director.

Samantala, nilinaw ni Direk Joven na hindi istorya ng novelty song na Tatlong Bibe ang kanyang pelikula.

“Kasi kung gagawin mong comedy na parang ang mangyayari lilipad yung tatlong bibe, magsasalita, magiging tao. Parang nakakulong ka na do’n sa puwedeng mangyari pag ginawa mong comedy.

“Hindi naman sa ayaw ko ng comedy pero may ibang options naman, eh. Na, ‘Oh, eto puwede namang gawing seryoso, eh. At least, may title ka na catchy pero pag pinanood mo para kang bumili ng goto na pag tinikman mo meron palang special na halo,” sey pa niya.

Bukod nga pala sa mga bidang bata, kasama rin sa cast ng Tatlong Bibe sina Rita Avila, Perla Bautista at EA Guzman.

021617-TatlongBibe02_PUSH.jpg

021617-TatlongBibe01_PUSH.jpg

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.