Boy Abunda aminadong hindi kumportable sa social media

Boy Abunda, may adbokasiya na biktima ng cyberbullying.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/08/2017 10:52 AM
Boy Abunda aminadong hindi kumportable sa social media

 

Kasunod ng book launching ng It's Like This ni Boy Abunda, isa din ngayon sa pinagkaka-abalahan ng King of Talk ang kanyang adbokasiya para sa mga biktima ng bullying sa social media.

"Yes ito po ang MABAHO Movements Against Bashing And Hating Online. Ito po ay inuumpisahan namin ngayon, dahan-dahan mga ilang bata at estudyante ang ka-partner namin dito, naisip lang namin and para attractive. As of now, we are in the process. Hindi kasi pwedeng bara bara lang. Dapat may organizational structure para alam namin kung paano mag-uumpisa," pahayag ng TV host.

Aminado siya na hindi siya fan ng patuloy na pagbabago ng social media na nagiging bahagi na umano ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

"Hindi ako kumportable masyado magkaroon ng social media accounts ng personal, but I am a savvy sa digital media. Alam ko ang operations, alam ko ang proseso. Hanggang ganun lang siguro," paliwanag ni Boy.

"Inaaaral ko siya, yung pagtawid doon sa social media (personal account). Hindi ako komportable doon na malaman ang ilang bagay tungkol sa akin, kung nasaan ako, ano kinakain ko at kung ano ang isinusuot ko. Hindi ako komportable pero nagbabasa ako," sabi pa ni Boy.

Kung kaya sa isang adbokasiya ngayon sa social media ang binubuo ni Boy sa pakikipagtulungan ng kanyang mga kasamahan at mga kaibigan.

"Fascinated kasi ako sa kapangyarihan ng social media, the power of social media to do good to change lives to touch people's lives," paliwanag niya.

Sa ngayon umaasa ang king of Talk na makakatulong ang MABAHO sa mas maayos na online community.