Ilan sa cast ng Huwag Kang Mangamba, nominado sa Asian Academy Creative Awards
Hindi pa man tapos ang inspirational serye na Huwag Kang Mangamba ay umani na ito ng nominations sa Asian Academy Creative Awards. Ang cast member na si Sylvia Sanchez ay na-nominate para sa Best Supporting Actress at si Nonie Buencamino for Best Supporting Actor. Ilan lang sila sa mga representatives para sa grand awards show na gaganapin sa December 2021.