Article

Si Ellen Adarna ba ang babaeng kumakanta ng “Dota O Ako” sa video ni John Lloyd Cruz?

Si Ellen Adarna ba ang babaeng kumakanta ng “Dota O Ako” sa video ni John Lloyd Cruz?

By PUSH TEAM 6 YEARS AGO

Sa bagong post na video ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account, marami ang nagtanong kung sino nga ba ang babaeng kumakanta ng “DOTA o Ako.

Sa video, makikita ang babae, na naka-upo sa unahan ng sasakyan na nagyo-yosi habang kumakanta.

Hula ng ilan ay parang kaboses at kahawig ito ng girlfriend ni John Lloyd na si Ellen Adarna na pinaghihinalaang nagdadalang tao.

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Kamakailan lang ay nag-celebrate si Ellen ng kanyang 30th birthday

Nawala sa limelight ang dalawang Kapamilya stars matapos mapabalita na magkasintahan na sila.

Si John Lloyd ay nagpaalam din sa kanyang home network at sinabing mag-leleave muna ito indefinitely.

© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.