FRESH SCOOPS

Invited ba si Thai Superstar Mario Maurer sa anniversary concert ni Kakai Bautista?

By Kiko Escuadro 3/22/2018 11:10:27 AM

 

All smiles ang singer-comedienne na si Kakai Bautista sa naganap na intimate chikahan ng entertainment press para sa kanyang upcoming anniversary concert na Kakai XV.

 

Fifteen years in show business na si Kakai na aniya ay punong-puno ng masaya at makulay na mga pangyayari sa kanyang career at ang kanyang love life.

Kamakailan napabalita ang pakikipag-ayos ni Kakai kay Ahron Villena na makakasama pa niya ngayon sa isang pelikula.

Read: EXCLUSIVE: Kakai Bautista reveals target playdate of movie with Ahron Villena

Inimbitahan din niya si Ahron sa kanyang concert.

"Invited po siya, si Ahron po? Si Mario (Maurer) kung pwede ko invite, invite ko din po," bungad ni Kakai.

 

"Si Ahron po pupunta pero hindi po siya kasali sa concert kasi ako talaga nagsabi na hindi siya kasali sa concert kasi gusto ko performer (laughs)," pagbibirong pahayag ni Kakai.

"Sabi ko panuorin mo nalang ako kung gaano ako kaganda, wew (laughs)," sabi pa ni Kakai.

Isa din sa mga naging malapit noon sa komedyana ay ang Thai superstar na si Mario Maurer na nakasama niya sa pelikulang Suddenly It's Magic na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Mario.

Naging maingay din ang balita noon na hinahabol diumano ni Kakai ang Thai actor.

Kuwento ni Kakai, hindi na sila nag-uusap ngayon ng Thai actor, pero pa tuloy pa din daw ang komunikasyon nila ng kapatid nito na si Marco na isang rapper-musician.

"Ay wala na po, pero I'm still friends with his brother so okay kami. We actually did a music video in Thailand and si Mario he reposted it on his Instagram," kuwento ni Kakai.

 

"So ayun sumabog na naman ang Instagram, palong-palo na naman ang comment ng mga Pinoy (laughs). Nakakaloka. At least he posted it and tagged me," masayang pahayag ni Kakai.

Hindi man daw sila nakakapag-usap, thankful daw si Kakai sa naging move ni Mario ng i-tag siya sa Instagram.

(Insert Kakai screen shot thank you message on Mario)

"I said, ‘Thank You!’ Sa Instagram ganon! Sumagot naman ako. Ewan ko lang kung nabasa niya," pahayag pa ni Kakai.

Sa ngayon, naghahanda na si Kakai para sa kanyang anniversary concert na magaganap ngayong April 6, 2018 sa Music Museum.

s