Article

Ahron Villena at Kakai Bautista, magsasama sa isang pelikula

Ahron Villena at Kakai Bautista, magsasama sa isang pelikula

By PUSH TEAM 6 YEARS AGO

Kinumpirma nina Ahron Villena at Kakai Bautista kay HotSpot host DJ Jhai Ho na magsasama silang dalawa sa isang pelikula. Dating silang naugnay sa isa’t isa at nasaksihan din ng netizens ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa social media.

"'Aso't Pusa' ang title," hirit ni Ahron.

"Sa mga fans ng 'Ahkai,' ang mga nakigulo sa amin sa away-bati namin, ito na ang hinihintay niyo. Finally, magkakaroon na kami ng isang project together, at ito ay isang full-length movie,” ani Kakai.

Nangako naman si Kakai na magbibigay sila ng update tungkol sa kanilang pelikula.

© 2021 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.