Maris Racal, nagbahagi ng ilang nakakatawang entries para sa kaniyang ‘studious meme’ | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maris Racal, nagbahagi ng ilang nakakatawang entries para sa kaniyang ‘studious meme’

Maris Racal, nagbahagi ng ilang nakakatawang entries para sa kaniyang ‘studious meme’

Clipboard

Naaliw ang Can’t Buy Me Love actress na si Maris Racal sa mga funny memes ng netizens sa kaniyang recent "studious" photos sa X (dating Twitter).

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang ilang meme entries ng netizens kung saan ay tila pinagkatuwaan ng mga ito ang kaniyang litrato habang nagsusulat sa kaniyang 2024 planner.

“i hate twitterrrrr 😭,” caption ng aktres sa post.

Isa sa mga entry ay ang larawan ng aktres kung saan tila parang sinasagutan nito ang isang test na naglilista ng iba’t ibang klase ng hayop at mga "kakaibang" kinakain ng mga ito.

ADVERTISEMENT

Kabilang din sa entry ay ang pagguhit umano ni Maris kay Miss Universe 2019 Catriona Gray, sa isang anime character na si Sasuke, at iba pa.

[Please embed post here] https://x.com/vicotinamide/status/1742773851237580816?s=20 

Popular din na entry sa photo ng aktres ang tila "study life" version kung saan nagsasagot di umano ito ng kaniyang mga textbooks at modules o nagsosolve ng mathematical equations na siyang kinaaliwan ng netizens.

Hindi rin naman napigilan ng ilang followers ng aktres ang magkomento sa funny memes nito sa kaniyang Instagram post.

“Miss daw nila pagiging Meme girl mo. 🤣😂,” saad ng isang netizen.

ADVERTISEMENT

“nilaro ka nila teh hahaha,” dagdag naman ng isang follower.

Hindi rin mapigilang matawa at magkomento ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa post ng 26-taong gulang na Kapamilya star.

“The best hahahaha,” komento ni Pia na siyang nireplyan naman ng aktres.

“@piawurtzbach omg queeen,” wika ni Maris.

Kabilang din sa nagkomento sa meme entries ay mga personalidad katulad nina Idol Philippines Season 1 winner  Zephanie, content creator na si Rei Germar, at stylist na si Valerie Corpuz.

ADVERTISEMENT

Ang bagong meme ng aktres ay galing sa kaniyang post sa social media platform X na may caption na "studious."

Ang post nito ay umabot na sa 5.2 milyong views, halos apat na libong quote at retweet at 31 libong likes sa X.

Kabilang din sa trending topic ang pangalan ng aktres sa X.

Noong Setyembre nang nakaraang taon, nagkaroon din ang aktres ng trending meme matapos ibahagi ang kaniyang funny hairstyle sa kaniyang Instagram post.

“I look like a pencil. Pero okay na ako ngayon medyo tumubo na siya,” caption ng aktres sa video.

ADVERTISEMENT

Nagtrending din si Maris sa funny moment niya at ng Can’t Buy Me Love co-star nito na si Darren Espanto sa ABS-CBN Christmas Station ID kung saan ay game na game na tinuro ni Maris si Darren habang kinakanta ang linya na: "Sa madilim na gabi, isinilang siya sa mundo."

“Ikaw pala ang isinilang @Espanto2001 paka baliwag mo talaga @MissMarisRacal 😭😭😭😭😭😂😂 #PaskoAngPinakamagandangKwento #ABSCBNChristmasID2023 #MarisRacal #Darren,” saad ng isang fan na siyang kinumpirma naman ng singer at aktor.

“Tama ka naman. Madaling araw ako pinanganak eh. @MissMarisRacal,” quote tweet ni Darren sa post.

Nireplyan naman ito ni Maris: “Akala ko talaga ma edit out to kasi nilaro ko. yun na pala yung ang exposure ko 😭😖😂.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.