Bugoy Cariño walang panghihinayang kahit maagang naging ama | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

Bugoy Cariño walang panghihinayang kahit maagang naging ama

Bugoy Cariño walang panghihinayang kahit maagang naging ama

Leo Bukas

Clipboard

Ipapalabas na sa mga sinehan simula sa September 13 ang pelikula ni Bugoy Cariño at Belle Mariano na Huling Sayaw. Ang pelikula ay natapos four years ago pa, produced and directed by Errol Ropero.

Executive producers naman ng Huling Sayaw sina Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Melvin Vergara Vidal, at Amado Carlos Bolilia IV. Hindi pa sikat noon si Belle habang ginagawa nila ang pelikula pero ngayon ay big star na ang dalaga at ka-love team pa ni Donny Pangilinan.

Ayon kay Bugoy, naghihintay siya ng chance na mabigyan ulit ng pagkakataon sa showbiz pagkatapos niyang mawala dito after maging isang ama sa edad na 16 kay Scarlet, sa girlfriend niyang volleyball player na si EJ Laure. Kamakailan lang ay na-engage na sila noong 21st birthday celebration ni Bugoy.

Isa si Bugoy noon sa very promising young actors dahil sa galing niya sa pag-arte at pagsasayaw. Naging member pa nga siya noon ng sikat na grupo sa It’s Showtime na Hashtags.

ADVERTISEMENT

“Nung time na yon, yon yung peak ng career ko tapos nawala. Sobrang panghihinayang po. Sabi ko nga, siguro kaya ito binibigay sa akin ni Lord kasi kaya ko itong pagdaanan,” pagtatapat ni Bugoy nang makausap namin siya sa mediacon ng pelikulang Huling Sayaw.

Ayon pa sa actor-dancer, maraming opportunities ang nasayang at nawala sa kanya nang iwanan niya ang showbiz.

“Totoo naman po kasi nagka-isyu po noon na nakabuntis ako. Maraming na-reject na project. Maraming natanggal, mga natanggal na raket na yung career ko naging bad. Pero ngayon naman po, bumabawi tayo,” sabi pa ng batang ama.

“At first, sobrang nanghihinayang po ako nung natanggal ako. Kasi, honestly maraming nawalang projects, maraming sponsors na natanggal ako. Pero kanya-kanya naman po kami ng ano, eh, ng landas sa buhay.

“Siguro, para sa kanila ‘yon at ‘yon ang binigay sa akin ni Lord na buhay at para sa akin talaga ito, pero ngayon po nawala naman sa akin ang panghihinayang ko lalo na nung lumabas ang baby ko.

“Sabi ko, yung panghihinayang ko parang napuno lahat ng saya kasi nung lumabas ang baby ko, sabi ko. Ito yung pinaka-blessing na binigay sa akin ni God, ito yung kapaliit. So parang ngayon, sobrang saya ko sa buhay ko,” lahad pa ni Bugoy.

Masaya naman daw siya ngayon dahil muli niyang maipakikita sa madlang pipol ang kanyang talent sa pagsasayaw.

Aniya, “Kasi ako po, bata pa lang ako natuto na akong sumayaw. Tapos, malaking tulong din po na naging miyembro ako ng Hashtags, so doon po nabuo yung samahan namin nina Kuya Zeus (Collins), Kuya Nikko (Natividad) at yung iba pa po.”

Kapanabayan noon ni Bugoy si Belle, Xyriel Manabat. at Zaijian Jaranilla. Ramdam daw niya noon pa man na magiging big star si Belle dahil masipag ito.

“Actually, dati pa po sa Goin’ Bulilit pinag-uusapan po namin si Belle na parang ang sabi namin pagdating ng panahon mas aangat talaga siya. Ganun na yung ini-expect namin sa kanya dati pa.

“Kasi sobrang sipag po ni Belle nung mga time na yon. Tsaka madami po siyang talent—sumasayaw po siya, kumakanta, uma-acting,” papuri niya sa dalaga.

Sa murang edad ni Bugoy ay nanalo agad siya noon ng best supporting actor award sa 1st Asean International Film Festival and Awards para sa pelikulang Alagwa noong 2013. Nabago din daw ang buhay niya simula nung maging ama na siya.

“Para sa akin po, sobrang binago ako noong magka-pamilya na ako kasi siyempre, kapag may pamilya ka na, di mo na ginagawa yung dati mong ginagawa. Yung labas-labas with friends. Yung pagbubuhay-binata, hindi mo na ginagawa," kuwento niya.

“Ako naman po di ko na siya hinahanap kasi simula po noong six years old, nagta-trabaho na po ako. Para sa akin, hindi ko na siya hinahanap dahil nagawa ko na rin po naman ang gusto ko. Noong nag-lie low po ako sa showbiz, nag-business po ako.

“Tapos noong pandemic, nagkaroon ako ng vlog, more of family po siya, more of sa Facebook po siya pero so far, okey po naman. Tapos, raket-raket yung mga out-of-town shows at basketball po,” dagdag pa niya.

Naiinggit ba siya kina Xyriel Manabat, Zaijan Jaranilla at Belle Mariano?

“Kung anuman po ang meron sila, siguro, para sa kanila po talaga iyon. Minsan talaga pong nagkakalayo ng landas pero ang saya ko lang po dahil hindi sila nakakalimot. Si Xyriel, pumunta siya ng debut ko. Happy po ako dahil di sila nakakalimot,” tugon ni Bugoy.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Bugoy ang papel ni Danilo, isang binata na sa kabila ng mga balakid na hinarap ay hindi sinukuan ang kanyang pangarap na maging matagumpay na dancer.

Kasama rin ni Bugoy sa pelikula sina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus Collins at Mickey Ferriols.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.