Bela Padilla kinilig sa chemistry nila ni Marco Gumabao sa ‘Spellbound’: ‘Shocking ito for me but in a very pleasant way’ | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bela Padilla kinilig sa chemistry nila ni Marco Gumabao sa ‘Spellbound’: ‘Shocking ito for me but in a very pleasant way’

Bela Padilla kinilig sa chemistry nila ni Marco Gumabao sa ‘Spellbound’: ‘Shocking ito for me but in a very pleasant way’

Leo Bukas

Clipboard

Tuwang-tuwa ang screen partners na sina Bela Padilla at Marco Gumabao sa reception ng mga taong nakapanood ng Spellbound sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall noong Lunes, January 30, 2023. Kitang-kita kasi na perfect choice sila for the film at napakaganda rin ng kanilang chemistry.

Ang Spellbound ay Pinoy adaptation ng 2011 Korean movie na may pareho ding title. First team-up ito ng dalawa sa big screen na hindi rin naitago ang saya sa kinalabasan ng pelikula na romantic-horror film ang genre.

Kumusta ba ang working experience ni Bela with Marco as leading man.

“It’s nice working with him as he’s been a friend for a long time. Okay siyang katrabaho lalo na this movie took so long to shoot. We started shooting this on January 20, 2020 and first shooting day namin sumabog ang Taal and then na-declare ang first day ng lockdown because of COVID-19.

ADVERTISEMENT

“Natigil ang shoot namin at hindi na kami nagkita. I went to London in July 2021 and we were able to resume the shooting only last year. And now, finally, we’re glad natapos na rin siya at ipapalabas na,” kuwento ng aktres.

First time din daw ni Bela na gaganap ng character na parang siya rin sa tunay na buhay.

“Kasi pareho kaming duwag ni Yuri (pangalan ng kanyang character). I’m really afraid of ghosts so I avoid doing horror films. But this one, I like the material. Pero sa shoot, tinatanong ko na agad kung nasaan yung mga gumaganap ng multo para hindi na ako nagugulat,” lahad pa niya.

Nagbigay din ng reaksyon ang dalawa sa mga pumuri sa kanilang naging chemistry sa Spellbound after the premiere night. Saan nga ba nanggaling ang magic ng kanilang chemistry na naramdaman din ng audience?

Tugon ni Marco, “Actually, first time din po naming mapanood yung film so nagulat din po kami talaga. Kinakabahan kami kanina backstage hindi n’yo lang po alam. Sobrang kinakabahan kami because three years na nga po ito in the making and some scenes hindi ko na talaga naaalala.

“Hindi rin namin alam kung anong ie-expect namin. But feeling ko nakatulong yung pagiging matagal naming magkaibigan ni Bela. So siguro nung ginagawa namin yung mga eksena namin it was easier for us to work together.”

“Ako rin, hindi ko in-expect na ganun. Actually, ginagawa lang naman namin yung trabaho namin at hindi ko rin nga in-expect na ganito siya sa screen.

“Nung nanonood tayo may isang eksena na sobrang naapektuhan ako at sobra akong natahimik kasi nakakakilig yung scene. Nagulat ako na kinilig ako. Sobrang rare kasi na kiligin ako sa scene na gingawa ko kaya nakakatuwa.

“Hindi ko rin in-expect kasi nga ang tagal na rin naming magkaibigan. It can work either way and go really, really well or it doesn’t work at all kasi nga magkaibigan kayo so wala nang spark. So shocking ito for me but in a very pleasant way, ang saya,” reaksyon naman ni Bela.

Samantala, iikot ang kuwento ng Spellbound sa magic, mga multo, at pag-ibig na siguradong magpapabago ng inyong pananaw sa tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Si Bela ay gumaganap bilang si Yuri. Simula nang makaligtas siya sa aksidente noong high school ay nakakakita na siya ng mga multo.

Nagpaparamdam rin ito sa mga taong malapit sa kanya, at dahil sa takot, iniwan siya ng kanyang pamilya. Kumbinsido si Yuri na mas maigi na ngang manatili siyang mag-isa sa buhay. Pero isang salamangkero ang maaaring magpabago ng kanyang isip.

Si Marco is playing the role of Victor na isang magician na hindi naman talaga magaling mag-magic.

Nang makita niya si Yuri, naging inspirasyon niya ito para magtrabaho sa kanya. Dito na magsisimula ang kanilang love story na pilit na hinahadangan ng mga multo.

Kasama rin sa Spellbound sina Rhen Escaño na gumaganap naman bilang si Krissy, ang multong kaibigan ni Yuri at si Cindy Miranda na girlfriend naman ng karakter ni Marco.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Jalz Zarate.

Ayon kay Bela, malapit sa personalidad niya ang kanyang karakter na ginagampanan sa Spellbound. Takot din daw kasi siya sa mga multo sa totoong buhay.

Catch Spellbound in cinemas nationwide beginning February 8, 2023. Ito ang pre-Valentine offering ng Viva Entertainment.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.