• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila may pasaring ang aktor na si Markus Paterson sa kanyang dating partner na si Janella Salvador sa gitna ng bali-balitang hiwalay na sila.

Markus Paterson, may pasaring kay Janella Salvador?

Tila may pasaring ang aktor na si Markus Paterson sa kanyang dating partner na si Janella Salvador sa gitna ng bali-balitang hiwalay na sila.

Markus Paterson, may pasaring kay Janella Salvador?-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/05/2022 08:32 PM
Markus Paterson, may pasaring kay Janella Salvador?
Photo credits: @superjanella on Instagram (right)

Tila may pasaring ang aktor na si Markus Paterson sa kanyang dating partner na si Janella Salvador sa gitna ng bali-balitang hiwalay na sila.

Tampok kamakailan si Markus sa video na inilabas ng Rise Artists Studio kung saan naging bukas siya sa mga karanasan at aral na natutunan niya pagdating sa pag-ibig. 


Sa nasabing video, tila naging makahulugan ang pahayag ng aktor tungkol sa aral na natutunan niya mula sa kanyang dating relasyon. 

"Anong susunod na relationship? Susunod na relationship? Kung may lessons ako sa mga relationships ko, it's never to f---ing date someone in the industry," ani Markus. 

"'Wag niyo i-cut 'yan. Seryoso ako diyan," sabi pa niya. "Sa lahat ng mga nanonood na batang artista o gustong mag-artista, 'wag kayong mag-date ng ibang babaeng artista."

Samantala, tila may kinalaman din sa hiwalayan nila ni Janella ang naging pahayag ni Markus tungkol sa pinakamalaking bagay na natutunan niya pagdating sa pag-ibig. 

"For me, the main thing that I've learned is — because I've made the same mistake more than three times in this life — It's always to be ready in moving on," ani Markus.

"Because if you're not ready and you move on and you meet some other people and you still have some ties to your past, to your trauma, the pain, that s--t's gonna come back and haunt you. It's gonna ruin the relationship you've already built. So it's just about being prepared and being honest about yourself." 

Nito lamang linggo, sa vlog ng newscaster na si Bernadette Sembrano, nang tila kinumpirma ni Janella ang hiwalayan nila ni Markus nang aminin na isa siyang single mom. 

"Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba," ani ng aktres.

"Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya," ayon kay Janella, na anak ng singer na si Jenine Desiderio. "She was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well.”

READ: Janella Salvador, kinumpirma na isa na siyang single mom

Matatandaang Oktubre 2020 nang ipinakilala nina Janella at Markus ang kanilang anak na si Jude Trevor sa publiko.

Unang pumutok ang balitang hiwalay na ang magkasintahan matapos na mapansin ng fans na hindi dumalo si Janella, 24, sa birthday celebration ni Markus, 24, noong Hunyo.