• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya rin si Ronaldo Valdez na marami ang natutuwa sa kanyang karakter bilang Lolo Sir sa “2 Good 2 Be True.”

‘Lolo Sir’ ng ‘2 Good 2 Be True’ tinawag na brilliant actors ang KathNiel

Masaya rin si Ronaldo Valdez na marami ang natutuwa sa kanyang karakter bilang Lolo Sir sa “2 Good 2 Be True.”

‘Lolo Sir’ ng ‘2 Good 2 Be True’ tinawag na brilliant actors ang KathNiel-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/05/2022 02:46 PM
‘Lolo Sir’ ng ‘2 Good 2 Be True’ tinawag na brilliant actors ang KathNiel
Photo credit to @tito.ron.valdez and @bernardokath Instagram

Bukod sa mga bida ng series na 2 Good 2 Be True na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay madalas ding mapag-usapan ng netizens at viewers ang karakter dito ni Lolo Sir played by veteran actor Ronaldo Valdez. Isa rin daw si Lolo Sir sa inaabangan nila tuwing nanonood ng nasabing Netflix series.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ron Gibbs (@tito.ron.valdez)

Ayon sa beteranong actor, nagkaroon siya ng pangalawang pamilya sa 2 Good 2 Be True na idinidirek ni Mae Cruz-Alviar kaya masaya siyang napasama sa series ng Kathniel. Masaya rin siya na kilala ng viewers ang karakter na kanyang ginagampanan.


“Almost everybody outside calls me ‘Lolo Sir’! It’s flattering. That means they’re involved with the show. They identify. It feels good,” natutuwang sabi ng 74-year-old veteran actor.

READ: Netizens react to Kathryn Bernardo’s acting in ‘2 Good 2 Be True’

Hindi naman nakapagtataka kung bakit puring-puri ng viewers ang acting ng premyadong akto  sa series. He’s been in the business for almost five decades kaya natural na lang na lumalabas ang lahat dahil sa tagal na ng kanyang karanasan sa ganitong propesyon. 

“I don’t have a technique naman eh. I guess I immerse myself in the story, in the role. It’s really a big help na ang ganda-ganda ng script nito, especially ‘yung mga lines. The scenes are easy to do kasi you feel the situation,” lahad niya.

“Aside from the lines and the scenes na medyo malalim, may drama, at the same time meron ding mga cute, kilig moments especially with the two. Sila KathNiel, nakakakilig sila panoorin,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ron Gibbs (@tito.ron.valdez)

Number one sa Netflix ang 2 Good 2 Be True at masaya rin daw siya na napabilang sa pinag-uusapang series.

Lahad ng actor: “Siyempre, meron kang feeling of fulfillment, na okay yung ginagawa ninyo, yung trabaho niyo, it’s appreciated. Masarap ang feeling.” 

“Hindi naman dumarating doon sa, ‘Hay naku, ewan ko, wala na akong pakialam diyan.’ It’s always a nice feeling. I feel so blessed because up to now I’m still active,” dagdag pa niya.

“I’m really thankful na I still get to do this job that I really love I think for more than five decades, and I still get to work with fantastic actors,” aniya.

Ipinagmalaki rin niya na isa ang 2 Good 2 Be True sa pinakapaboritong projects na kanyang ginawa.

“This show is really, for me, one for the books. Ang saya. It’s my second family. The work doesn’t feel like work. Para lang kaming nag-i-excursion. Napaka-nice ng mga tao rito,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ron Gibbs (@tito.ron.valdez)

Pagpapatuloy pa niya: “I could even say na spoiled ako, eh. I’m showered with food and love and affection. It’s really one big happy family. Even the work feels light, kasi nga brilliant actors ang mga kasama ko so madaling mag-interact within the scene.”

“Napakasarap kasama ni Kathryn. She’s such a nice, sweet, young girl, tapos ang galing-galing pa, so ano pa? Si Daniel, I don’t know why, parang real lolo and apo kami, eh. Sometimes we are enjoying our break. Istrikto sa akin yan, eh. He’s concerned about my health,” kuwento pa ng ng ama ni Janno Gibbs.