• Home
  • Fresh Scoops
  • Susuportahan ni Jamilla ang kanyang anak na si Miggy sakaling pasukin nito ang showbiz balang-araw.

Jamilla Obispo, nakikitaan ng interes mag-showbiz ang panganay na si Miggy

Susuportahan ni Jamilla ang kanyang anak na si Miggy sakaling pasukin nito ang showbiz balang-araw.

Jamilla Obispo, nakikitaan ng interes mag-showbiz ang panganay na si Miggy-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/05/2022 02:29 PM
Jamilla Obispo, nakikitaan ng interes mag-showbiz ang panganay na si Miggy
Photo credit to @jamillaobispo11 Instagram

May ideya si Jamilla Obispo na papasukin din ng 17-year-old niyang panganay na si Miggy ang showbiz.

“Nagkakainteres na siya pero sa music. He likes to sing, eh. So medyo do’n siya sa part ng banda-banda, ganun. Hindi ko pa siya masyadong matimpla kung gusto niya talagang mag-artista,” aniya.


“But when I told him na we can earn from the shoot gusto na niya. Gusto na niyang kumita. Ha-ha-ha!” kuwento ni Jamilla sa PUSH sa ginanap na presscon ng series na Wag Mong Agawin ang Akin na last three weeks na lang mapapanood sa Vivamax.

“Alam din kasi ni Miggy na bread and butter ko ang showbiz bata pa lang siya. And hindi lang yon, he knows it na I enjoy doing it, I enjoy my craft. Kumbaga,  alam nia na talagang gusto  kong mag-artista at mahal ko yun ginagawa ko.

“Ang lagi niya sa aking sinasabi, ‘Basta ma, happy ka sa ginagawa mo I’ll support you all the way’,” dugtong ng former Pinoy Big Brother housemate.

READ: 17 anyos na anak ni Jamilla Obispo, tanggap ang kanyang pagpapaseksi

Ibinida rin ni Jamilla na bukod sa interes sa music ng poging anak ay magaling din daw itong maglaro ng basketball.

“Sobrang hilig niya sa basketball. Napakagaling mag-basketball. He is taller than me, eh, I think he is 5’8” or baka more pa kasi mas matangkad siya sa akin eh. Kasi he started playing basketball at the age of 10. so ilang years na rin siyang naglalar,” aniya.

“Tinitimpla ko pa ngayon kung anong gusto niya talaga, ehl. At sabi ko nga sa ‘yo kanina, ang nakikita ko sa ngayon sa kanya medyo sa music,” pagmamalaki pa niya.

Pero kung siya raw ang masusunod ay mas gusto niyang mag-concentrate na lang muna sa pag-aaral si Miggy. 

“Right now, ang gusto ko talaga at priority talaga ay studies niya eh.  Kumbaga, ako nga ‘yung nandito sa showbiz. Kaya nga ako natatrabaho para makatapos siya kasi hindi nga din ako nakatapos before. So isa ‘yun sa pangarap ko sa mga anak ko – na makapagtapos ng college as much as possible,” wish ni Jamilla para sa anak.

WATCH: Jamilla Obispo, aminadong napanghinaan ng loob sa career dati | PUSH Daily

Eh, what if piliin ni Miggy ang showbiz?

“Kung nakikita ko naman na gusto niya yung ginagawa ko din at gusto niya din tahakin ‘yung path ko, kumbaga kung ano ‘yung ginagawa ko ngayon, hindi ko naman yan makokontrol eh. I’ll support him din kung paano niya ako sinusuportahan sa ginagawa ko ngayon ganun din ‘yung ibibigay ko sa anak ko,” saad ni Jamilla.

Bukod kay Miggy na anak ni Jamilla sa dating non-showbiz partner ay may isa pa siyang anak na seven years old na ngayon. Anak nila ito ng Fear Factor grand winner na si Jommy Teotico na naging ex-partner din niya noon. Si Jamilla na rin ang nagbalita sa amin na gustong bumalik sa showbiz ng dati niyang karelasyon.