• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging bukas si Heart Evangelista sa mga pinagdaanan niya ngayon sa buhay.

Heart Evangelista: ‘I’m not gonna deny that I’ve been going through some personal struggles’

Naging bukas si Heart Evangelista sa mga pinagdaanan niya ngayon sa buhay.

Heart Evangelista: ‘I’m not gonna deny that I’ve been going through some personal struggles’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/05/2022 02:55 PM
Heart Evangelista: ‘I’m not gonna deny that I’ve been going through some personal struggles’
Photo credit to @iamhearte Instagram

Sa pinakahuling Youtube vlog na in-upload ni Heart Evangelista nitong Biyernes, ika-5 ng Setyembre, ay inamin ng actress-vlogger na totoong meron siyang pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay.

“How’s life? You know I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me,” pagbabahagi ni Heart.


READ: Would Chiz Escudero permit Heart Evangelista to work with Jericho Rosales?

“I’m not gonna lie, I’ve been through a lot of personal stuff in my mind but you know at the end of the day I’m still very grateful and as long as there is life, there’s hope,” pagtatapat pa niya.

Matatandaang ilang araw na ring laman ng mga blind item si Heart at ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero na diumano’y hiwalay na.

Nagsimula ito nang tanggalin ni Heart ang “Escudero” sa profile name ng kanyang Instagram account. Hindi naman naging specific si Heart kung tungkol nga dito ang kanyang mga emote.

READ: Chiz Escudero will not interfere with wife Heart Evangelista’s career, unless...

Sabi pa niya: “I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles… I feel a lot of pressure in my life. Basically now, I’m really in search of just being happy.”

Kilala si Heart sa pagbili ng mga signature at branded na gamit pero aniya, mas natututunan niya ngayong bigyang halaga ang mga simpleng bagay gaya ng pakikipag-bonding sa kanyang mga pets.

“It’s about the simplest things in life that are very important and that really make a person happy, and that’s where I’m at now. Just really appreciating all the small moments and Panda, Shuti, all the love that I feel,” aniya.

READ: Heart Evangelista opens up about her personal struggles

Nabanggit din ni Heart sa kanyang vlog ang usapin ng pagiging independent niya.

“It feels good to be empowered and know that you can do things on your own no matter how hard certain situations in your company, in your workplace, or the people around you, or what weighs you down,” sey niya.

“At the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life, and not rely on anyone that matters,” sambit ni Heart.

Ibinalita rin ng aktres na may magiging mga pagbabago sa kanyang YouTube channel dahil mas ipapakita niya raw ang mga “unfiltered version” ng kanyang buhay.

Aniya: “At the end of the day, I feel like it’s so important to always be authentic and really stay true to yourself whether people agree with you or not. It’s about living your life and if somebody out there relates to you, that’s wonderful!”

Kataka-taka naman na wala man lang pagbanggit si Heart ng pangalan ng kanyang mister.