• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinumpirma ng Kapamilya star na si Janella Salvador na isa na siyang single mom ngayon.

Janella Salvador, kinumpirma na isa na siyang single mom

Kinumpirma ng Kapamilya star na si Janella Salvador na isa na siyang single mom ngayon.

Janella Salvador, kinumpirma na isa na siyang single mom   -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

09/04/2022 01:08 PM
Janella Salvador, kinumpirma na isa na siyang single mom
Photo credit: @superjanella Instagram

Kinumpirma ng Kapamilya star na si Janella Salvador na isa na siyang single mom ngayon. 

Ito ay matapos ang ilang buwang spekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang dating partner na si Markus Paterson. 


Ibinunyag ni Janella ang rebelasyong ito sa panayam ng aktres sa ABS-CBN broadcast journalist na si Bernadette Sembrano. 

Naging bukas si Janella sa nasabing usapin ng mapag-usapan ang karakter niya sa fantaserye na Darna ng Kapamilya network. 

READ: Janella Salvador on Markus Paterson: ‘Masaya kami individually’

Ginagampanan ng 24 anyos na aktres ang karakter ni Valentina sa nasabing telerseye. 

“Relate ako kasi si Regina ‘pag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya ilalaban niya talaga. Gano’n ako as a person as long as wala akong natatapakan, kasi I like learning. I like challenging myself,” ani Janella. 

Dito, naitanong ni Bernadette kay Janella kung ano ang bagay na nilabanan niya ngayon sa buhay. 

“Being a single mom — talagang nilalaban ko ‘yun,” ani Janella. 

Gayunpaman, inamin ni Janella na alam niya sa sarili niya na kaya niyang malagpsan ang mga ito. 

“At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin,” aniya. 

LOOK: Janella Salvador and son Jude visit El Nido, Palawan

“I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” dagdag pa niya. 

Samantala, itinuturing naman ni Janella na inspirasyon ang kanyang ina sa kanyang pagiging independent sa buhay.  

“Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya — she was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya — I wanted to be independent as well,” saad niya. 

Ipinanganak ni Janella ang kanyang anak kay Markus Paterson na si Jude Trevor noong Oktubre ng taong 2020.