• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang pelikula at TV shows rin ang pinagsamahan nina Judy Ann Santos at Rico Yan na nagpalalim ng kanilang pagkakaibigan.

Naging mag-on nga ba? Judy Ann Santos may throwback kuwento sa kanila ni Rico Yan

Ilang pelikula at TV shows rin ang pinagsamahan nina Judy Ann Santos at Rico Yan na nagpalalim ng kanilang pagkakaibigan.

Naging mag-on nga ba? Judy Ann Santos may throwback kuwento sa kanila ni Rico Yan-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/30/2022 09:16 AM
Naging mag-on nga ba? Judy Ann Santos may throwback kuwento sa kanila ni Rico Yan
Photo credit to @officialjuday Instagram

Muling mapapanood in digitally restored and remastered version ang ilan sa mga pelikula ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos.

Sa pangunguna ng Sagip Pelikula na programa ng ABS-CBN Film Restoration, maari nang mabalikan sa KTX.ph ang mga pelikula ni Judy Ann tulad ng Mara Clara The Movie, Paano Ang Puso Ko, Bakit Di Totohanin, Isusumbong Kita Sa Tatay Ko, at ang Kay Tagal Kitang Hinintay.

In an exclusive “Spotlight” online interview ni ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak, nag balik-tanaw si Judy Ann sa ilang highlights ng kaniyang career as dramatic actress ng dekada ‘90.

Isa sa mga naging bahagi ng kuwentuhan with Judy Ann ang makulay na love team era niya kung saan nakapareha niya ang matinee idol na si Rico Yan.

“Si Rico kasi, parang siyang si Ryan (Agoncillo, ang kanyang asawa) na akala ng mga tao sobrang hirap makausap kasi Inglesero,” bungad ni Judy Ann sa spotlight interview. “Medyo sosyal, commercial model so magkaibang magkaiba na naman even before I met Ryan. But, napaka bargas na tao ni Rico Yan and napaka totoo rin niya.”

Para kay Judy Ann na isang simpleng dalaga noon, aminado ang aktres na hindi naging mahirap sa kanya na makasama ang isang Rico Yan na iniidolo ng maraming kababaihan noong kanilang pagsisimula.

“Kaya siguro nag-click rin kami because, he has his way of making you feel comfortable at saka kung bastusan ang usapan, bastos pa siya sa salitang bastos in a way that is not offensive and napaka genuine kasi niya na tao and dahil nga napaka talino and napaka bokal niya sa puso ng maraming bagay, he was one of few people na whenever I had a breakdown, very few ‘yung taong mangangamusta sa akin,” reveal ni Juday.

Sa ilang proyekto na pinagsamahan ni Judy Ann at ni Rico noon, masasabi rin ng Kapamilya actress na naging tunay na malapit sila ng namayapang aktor.

“Even if yung dumating na yung point na I was paired na with Piolo (Pascual), and he was paired na with Claudine (Barretto) and they had the relationship already, he would still try to come up with a conversation, ‘kamusta ka na and ganyan,’ kumbaga hindi naman masyadong nawala ‘yung communication namin,” kuwento ng aktres.

Sa naging closeness ni Judy Ann at Rico, aware aniya ang aktres sa naging chismis sa kanila noon ng aktor.

“The spark with Rico and I was very genuine in a way na whenever we get interviewed at tinatanong na are you together, we would always say ‘no’, kasi hindi naman talaga and hindi naman talaga umabot na naging kami,” mariin na sambit ni Juday.

Ayon pa sa aktres, mas pinahalagahan aniya nila ng namayapang aktor ang kanilang pagkakaibigan na kanilang iningatan.

“Kasi we both know and pareho naming tine-treasure ang friendship naming dalawa we could always say na we’re more than friends but we’re not lovers. Parang mayroon lang kami parang respect and point of view sa friendship namin na nandito na lang tayo. ‘Wag na natin laliman pa kasi baka masira,” pahayag ng aktres.

Bukod sa 1998 movie na Kay Tagal Kitang Hinintay, nagsama din si Rico Yan at Judy Ann Santos sa 1997 movie na Paano Ang Puso Ko at ilang Kapamilya shows tulad ng Gimik.

Si Rico Yan ay pumanaw noong 2002 sa edad na 27 taon.