• Home
  • Fresh Scoops
  • Rhen Escano, pinipili na raw talaga niya ngayon kung ano ang projects na kanyang gagawin.

Rhen Escano titigil na muna sa paghuhubad: ‘I really want to prove myself as an actress’

Rhen Escano, pinipili na raw talaga niya ngayon kung ano ang projects na kanyang gagawin.

Rhen Escano titigil na muna sa paghuhubad: ‘I really want to prove myself as an actress’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/03/2022 07:08 PM
Rhen Escano titigil na muna sa paghuhubad: ‘I really want to prove myself as an actress’
Photo Credit: @realrhen on Instagram

Napaiyak ang sexy star at dati ring kasama sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Rhen Escano nang tanungin kung masaya ba siya ngayon sa estado ng kanyang career. Kapansin-pansin kasi na hindi na siya gaanong gumagawa ng mga sexy films sa Vivamax na nado-dominate ngayon ng mga baguhang sexy stars.

Ayon kay Rhen sa ginanap na virtual presscon para sa eight-episode series na Secrets of a Nympho, pinipili na raw talaga niya ngayon kung ano ang projects na kanyang gagawin.

“Noong unang beses po na pumayag akong gumawa ng sexy project, para sa akin, tinrato ko siya na meron akong cards sa kamay ko. Every time na may gagawin ka na ganung proyekto, unti-unti mong tatanggalin yung cards na yon sa mga kamay mo at ayoko po siyang maubos.


“Kailangan ko talagang piliin kung kailan ako lalapag. Importante rin sa akin talaga ngayon sa lagay ng career ko na mas makita ako ng mga tao na may iba akong ginagawa, mas challenging. Ayoko rin po na parang nakakahon ako. Parang nakikita lang ako ng mga tao na yon lang ang kaya kong gawin, which is hindi po.

“Pinipili ko talaga kasi ang projects na ginagawa ko. Ayoko nang umuulit, doing the same material. I want viewers to see na iba-iba ang ginagawa ko at hindi yung parang nakakahon lang ako,” katwiran ng dalaga.

BASAHIN: Rhen Escano on dating younger men: ‘Age doesn’t matter’

Sa sumunod niyang pahayag ay hindi na napigilan ni Rhen ang maging emosyonal. Sana raw hangga’t maaari ay ayaw na muna niyang maghubad sa pelikula.

“Sana po, mabigyan ng chance. Yon naman po ang lagi kong hinihingi na sana mabigyan ng chance. Na makita nila… sorry guys… sana makita nilang may talent ka or may iba kang makakayang gawin. Sorry po…”  sabi pa ng sexy star.

“My career is so important for me, so I want to make sure na may positive na mangyari dito. Lahat ng networks, napagdaanan ko na. Umabot nga sa point na ayoko na. Nagiging emotional ako kapag pinanghihinaan ako ng loob kasi I really want to prove myself as an actress,” hirit pa niya.

BASAHIN: Jao Mapa denies his wife got jealous of his sexy scenes with ‘Paraluman’ co-star Rhen Escano

Sa tanong kung meron ba siyang dream roles, ang sagot nito, “Lagi kong sinasabi na gusto ko yung parang Gone Girl, very challenging yung scheming character played by Rosamund Pike kasi she framed up her own husband, si Ben Affleck.

“Feel kong gawin yung ganung material, kaya tinanggap ko itong series na ito, Secrets of a Nympho, kasi ganitong type ang gusto kong gawin. I really want to grow as an actor,” aniya pa
.
Makakasama ni Rhen sa series sina Ayanna Misola, Arron Villaflor, Gold Aceron, Josef Elizalde, Jeric Raval, Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Tiffany, Sheree, at Stephanie Raz. Mula naman ito sa panulat ni Philip Neri at sa direksyon ni Shugo Praico ng Rein Entertainment na siya ring nasa likod ng award-winning series na Bagman.