Zeinab Harake gustong gawing ‘low key’ ang bagong love life

Zeinab Harake, wala na ding komunikasyon kay Skusta Clee.

Zeinab Harake gustong gawing ‘low key’ ang bagong love life-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/29/2022 10:44 AM
Zeinab Harake gustong gawing ‘low key’ ang bagong love life
Photo credit to @zeinab_harake Instagram

Hindi pinangalanan ng isa sa pinaka-influential social media personality ng bansa na si Zeinab Harake kung sino ang bago niyang boyfriend ngayon. Ayaw na raw kasi niya na maging masyadong public pagdating sa personal niyang buhay tulad nung mga panahong boyfriend pa niya si Skusta Clee. Basta ang sabi lang ni Zeinab ay non-showbiz ang bago niyang boyfriend.

“Okay lang naman as long as private pa rin, pero hindi mo rin naman itinatago. Okay na ako sa ganung set up kasi ang hirap na lahat inilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw, ang daming comments, and hindi iyon naging okay sa dati kong experience before.

“So, natuto na ako ngayon, low key but not private po. Okay na ako roon. So, meron po. Happy po ako ngayon after lahat ng pinagdaanan ko,” masayang pahayag ng socmed influencer.


Nagbigay din si Zeinab ng message para sa bagong karelasyon.

“Thank you for understanding me talaga. Kasi sobrang understanding niya po sa lahat ng mga nangyari sa akin. Tapos siyempre, sino ba naman ang mag-aakala… kasi single mom ako, eh. Akala ko dati pag single mom ka, wala na, done na. Hindi pala,” pagmamalaki pa ni Zeinab.

BASAHIN: Zeinab Harake on rivalry with Jelai Andres: ‘Wala pong competition talaga’

Sinisiguro naman ni Zeinab na sa bagong yugto ng kanyang buhay pag-ibig ay kasama na rin niyang mamahalin ang kanyang sarili para hindi na raw maulit ang nangyari noon.

Giit niya, “Talagang self-love yung pinaka-number one. And sabi ko nga, kahit din sa mga may something new mas pinipili ko na ano…  kapag sa tingin mong hindi na worth it or enough na at masasaktan ka dyan, puwede ka namang mag-step back para hindi lumala yung sitwasyon.

“Natututo na ko kasi ang lala ng nangyari, so sana bago gawin yon ng partner mo yung ganun magsabi ka na lang ng totoo.

“Hindi na puwedeng all-out tayo ngayon kasi dati talagang as in super. Pero ngayon mas pinipili ko na dapat give and take. Natutunan ko na yon ngayon kasi ako po yung taon na madalas na… giver ako, eh. Kaka-give ko nang kaka-give hindi ko namalayan na wala pala akong nare-recieve. Ubos na pala ako.

“So ngayon, natutunan ko na dapat kapag nagbigay ka ng ganito may ma-receive ka din even just a little para lang yung pakiramdam mo mas mapagaan. Para hindi ka na lugi at talo sa dulo.”

Naging choosy na ba siya sa pagpili ng bagong mamahaliin?

“Hindi, eh. Hindi po, eh. Hindi talaga,” tugon niya. “Ano kasi, eh, parang ang bilis nga, eh, sa totoo lang. Pero nakokontento ako agad. Ayoko nung namimili-mili pa ako. Yung magta-try ako ng ganito tapos try ko uli yung iba. Ayoko ng ganun. Hangga’t maaari pag binigyan kita ng chance ingatan at pahalagahan mo yon,” saad pa ng bagong endorser ng Beautederm Corporation.

BASAHIN: Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae

Samantala, walang komunikasyon si Zeinab kay Skusta na ama ng kanyang anak.

“Wala po… wala po. Cut-off na po... Wag na po. Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan.

“Yung baby ko po baby ko lang po yon. Akin lang po yon at alam ko naman na dadating yung time na anak ko na rin ang mag-i-explain na, ‘mommy ko lang lahat.’

“Hindi ko siya isinusumbat na ginagawa ko – mommy at daddy niya ko, okey na ako do’n. Happy and proud ako na sinasabi niya palagi… Ma-Pa ang tawag nga niya, eh. ‘Ayan na si Ma-Pa,’ huling pahayag ni Zeinab na mayroong 50 million followers across the world mula sa kanyang pinagsama-samang social media accounts.