• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya ang aktres na si Judy Ann Santos para sa kanyang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban na ngayon ay isa nang ina.

‘Deserve na deserve mo’: Judy Ann Santos, masaya para kay Angelica Panganiban

Masaya ang aktres na si Judy Ann Santos para sa kanyang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban na ngayon ay isa nang ina.

‘Deserve na deserve mo’: Judy Ann Santos, masaya para kay Angelica Panganiban-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/29/2022 11:12 AM
‘Deserve na deserve mo’: Judy Ann Santos, masaya para kay Angelica Panganiban
Photo credit to @officialjuday Instagram

Masaya ang aktres na si Judy Ann Santos para sa kanyang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban matapos nitong manganak sa unang baby niya na si Amila Sabine o “Bean” noong Setyembre 20.

Sa Instagram, isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ng tinaguriang “Queen of Soap Opera” para sa kaibigan kung saan sinabing “deserve na deserve” nito ang maging isang ina.

“Ang sarap mong panoorin… pagmasdan at pakinggan… dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal… Deserve na deserve mo dahil handang handa ka na. Binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sa ‘yo… ‘yung aalagaan ka at mamahalin ka nang buong buo… Napakasaya ko para sa ‘yo sweetheart,” ani Judy Ann.

“Alam na ah… ‘pag gusto niyo mag date.. bukas na bukas ang bahay namin para kay Bean… ay kasama pala kayo. Andito lagi ang Pamilya Agoncillo para sa Pamilya Homan. Mahal na mahal namin kayo.”

Kamakailan ay binisita ni Angelica, kasama ng kanyang partner na si Gregg Homan at kanilang baby, si Judy Ann sa bahay nito sa Maynila. Matatandaang unang naging malapit ang dalawang aktres matapos nilang magkatrabaho sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes noong 2018.

Samantala, nagpasalamat naman si Angelica sa pagmamahal at suporta na ipinakita ni Judy Ann mula pa noong buntis pa lamang siya sa kanyang anak na si Bean.

“Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate Juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang siya magpaanak sakin,” biro ni Angelica.

“Isang araw habang dinadama ko ang pag-iyak sa loob ng 3hrs. (Postpartum na kaya yun?) nag-suggest si Gregg na baka gusto ko makita si ate, para na rin sa mental health ko. Agad agad ko in-avail ang offer niya. At eto na nga ang itsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.. (Luh, may pamilya na talaga me),” patuloy niya.

READ: Angelica Panganiban gives birth

“THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. … We love you!!”