• Home
  • Fresh Scoops
  • Game na sinagot ni Barbie Imperial ang pangbabatikos sa kanya ng netizens sa social media.

Barbie imperial, nag-react sa komento ng bashers tungkol sa kanya

Game na sinagot ni Barbie Imperial ang pangbabatikos sa kanya ng netizens sa social media.

Barbie imperial, nag-react sa komento ng bashers tungkol sa kanya-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/29/2022 01:05 PM
Barbie imperial, nag-react sa komento ng bashers tungkol sa kanya
Screenshot from Barbie Imperial YouTube Channel

Game na sinagot ni Barbie Imperial ang pangbabatikos sa kanya ng netizens sa social media sa bagong vlog na inilabas ng aktres nitong Miyerkoles, Setyembre 28, sa YouTube.

Ilan sa mga komento na binasa at matapang na sinagot ng aktres sa vlog ay may kinalaman sa kanyang pananamit, mga dating relasyon, at karera sa showbiz.


Ayon sa isang basher ni Barbie: “Nagpakita ka ng katawan mo na naka-swimsuit. May nag-Photoshop, pinahubad ka. Pareho rin, nagpabastos ka sa sarili mo. In the first place ‘di ka na [sana] nag-post.”

Depensa niya: “Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin, okay? Kasi hindi naman ikaw bumili nung swimsuit ko, at hindi rin naman ikaw nag-picture sa akin. Second, kahit anong suot ng babae, hindi dapat binabastos ‘yung babae. For me, kung sexy ‘yung pananamit ko, hindi naman nun dine-define ‘yung pagkatao ko.”

READ: After Maris, Sue, fake nude photo of Barbie Imperial circulates

“’Di maka-move on si Barbie. Hahaha. Paano, wala nang lalaki seseryoso sa kanya. Laspag na kasi,” sabi pa ng isang basher.

“Grabe naman maka-laspag, teh. Gusto kong magsabi ng masasamang words pero…” sagot ni Barbie. “First of all hindi naman ako laspag. Hello! Hindi ako laspag and I’m proud to say that.”

READ: Barbie Imperial, naka-‘move on’ na sa hiwalayan nila ni Diego Loyzaga

Sa netizen naman na tinawag siyang malandi: “Malandi talaga ako sa isang tao kapag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga nang sobra ‘yung boyfriend ko. Pero hindi ako malandi. As in proud talaga po ako sabihin na hindi ako ‘yung babae na kerengkeng agad agad. Hindi ako ganun.”

READ: Barbie Imperial, pinabulaanan ang pagbisita sa bahay ni Daniel Padilla; isyung ‘mistress’ siya, matapang na sinagot

May sagot din si Barbie sa kanyang basher na tinawag siyang microstarlet. “Ikaw, sino ka ba? Grabe naman ‘yung mga comments na ‘to. Wala na bang mas masakit diyan? ‘Yun na ‘yun?” aniya.

Samantala, nag-react din ang aktres sa isang netizen na inakusahan siya bilang third party sa hiwalayan ng kanyang co-star na si Carlo Aquino at dating partner nito na si Trina Candaza.

“Teh, kailan ba naghiwalay sina Carlo at Trina? Last year pa. Tapos nagka-movie kami ni Carlo this year lang. Ako na naman sinisisi niyo!” sagot ni Barbie.

“’Yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? Parang every time na nagbe-break ako talaga. Pero wala namang proof. Tsaka hello! Sinabi ko na ‘to sa last vlog ko, hindi ako kabit.”

READ: Carlo Aquino confirms breakup with partner Trina Candaza earlier this year

Sa huli, inamin ni Barbie na kahit pa sanay na siya sa pangba-bash ng netizens ay may mga pagkakataon pa rin na naaapektuhan ang kanyang mood dahil dito.

“To be honest, tao lang din naman. Medyo nakakaapekto rin siya ng mood. But ako kasi, I make sure na hindi pumapasok sa utak ko lahat ng sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal tagal na rin ako sa showbiz kaya medyo sanay na rin ako,” ani Barbie.

May mensahe rin ang aktres sa mga katulad niya na nakakaranas din ng online bashing.

“If you know naman kung ano ‘yung pagkatao mo, if hindi naman totoo ‘yung mga sinasabi nila, basahin mo lang. But if mali talaga ‘yung ginawa mo, I think magandang way din ‘yun… kahit sobrang sakit ng mga sinasabi ng tao… Ako kasi kapag bina-bash nila ako tapos alam ko na mali ako, parang gagamitin ko siyang way para mag-improve ako lalo. Kasi hindi naman lahat ng bashers nandyan lang para saktan ka. Kumbaga ‘yung ibang bashers, [gusto lang nila ng] character development,” ani Barbie.

“So ako very thankful ako kapag may mga nangba-bash sa akin especially kapag may something about me na hindi tama. Kasi mas naco-correct ko siya. At lagi kong gustong patunayan sa kanila na, okay, if you’re saying this about me, panoorin mong mag-improve ako.”