• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Instagram, ipinasilip ni Pokwang ang kanyang bagong investment na aniya ay naantala dahil sa COVID-19 pandemic at kawalan ng sapat na kita.

Pokwang, nagpapatayo ng summer house para sa mga anak

Sa Instagram, ipinasilip ni Pokwang ang kanyang bagong investment na aniya ay naantala dahil sa COVID-19 pandemic at kawalan ng sapat na kita.

Pokwang, nagpapatayo ng summer house para sa mga anak-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/27/2022 11:59 AM
Pokwang, nagpapatayo ng summer house para sa mga anak
Photo credit to @itspokwang27 and @maesubong Instagram

Kasalukuyang nagpapatayo ang aktres na si Pokwang ng summer house para sa kanyang mga anak na sina Mae at Malia.

Sa Instagram, ipinasilip ng komedyana ang kanyang bagong investment na aniya ay naantala dahil sa COVID-19 pandemic at kawalan ng sapat na kita.

“Our @camayacoast_ph summer house soon… Thank you papa God. Sa kabila ng naantalang pagpapatayo dahil sa pandemic at kawalan ng sapat na raket para mapatapos ka, lumaban ako at nagpursige para sa pangarap ko sa mga mahal ko,” ani Pokwang.

“Abangan sa bago kong vlog ang kabuuan ng summer house ni @malia_obrian at ate @maesubong. Soon this December,” sabi rin niya.

Nito lamang Agosto nang ipinagdiwang ni Pokwang ang kanyang ika-50 kaarawan sa isang surprise celebration na inorganisa ng kanyang panganay na anak na si Mae.

READ: Pokwang treated to surprise birthday dinner by family, friends

Matatandaan na nito lang Hulyo nang maging laman ng balita ang aktres matapos niyang kumpirmahin na hiwalay na sila ng kanyang longtime partner at ama ni Malia na si Lee O’Brian.

"I’m okay. We’re okay. No third party involved and we’re both co-parenting kay Malia. Maayos naming tinapos ang lahat. Hindi kami pait-paitan," ani Pokwang sa ekslusibong pahayag nito sa PUSH.

“In fact, welcome siya sa bahay. Every weekend ay magkakasama kami. Seven months of surviving and peace ‘ika nga."

Mahigit pitong taon naging magkasintahan sina Pokwang at Lee bago ang kanilang hiwalayan. Unang nagkakilala ang dalawa nang magkatrabaho sa TFC movie na Edsa Woolworth noong 2014.