Piolo Pascual handa sakaling maunahang magpakasal si Inigo: ‘I’ll be there to support him through and through’

Nasanay na raw si Piolo Pascual na mag-isa.

Piolo Pascual handa sakaling maunahang magpakasal si Inigo: ‘I’ll be there to support him through and through’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/27/2022 01:31 PM
Piolo Pascual handa sakaling maunahang magpakasal si Inigo: ‘I’ll be there to support him through and through’
Photo credit to @inigopascual and @piolo_pascual Instagram

Handa na si Piolo Pascual sakali mang mauna pang mag-asawa at magka-pamilya ang anak niyang si Inigo Pascual. Eh, ano ba ang kanyang plano?

“Mag-halaman pa!” pagbirong sagot ni Piolo na naging certified plantito nung magsimula ang pandemic dahil sa COVID-19 virus.

“Hindi, ahh… hindi naman natin hinahanap yan. Pag dumating, diyan na natin haharapin. Pero ngayon talaga po, Okey naman ako, eh.


“Nasanay na rin siguro akong mag-isa. Hindi ko na… hindi ko siya… I mean, it’s not something that I am excited to have, or something that I would want to have.

“For now, I just would like to focus on myself, and you know what I can do. Sanay na kasi talaga akong mag-isa, eh.

“Hindi ko alam kung darating. Pag dumating, harapin na lang natin,” sabi pa ng aktor nang makausap siya ng PUSH sa ginanap na mediacon ng Beautederm kung saan napili siya bilang brand ambassador ng Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

BASAHIN: Piolo Pascual super proud sa achievement ni Iñigo sa Hollywood

Nabanggit ba sa kanya ni Inigo na ngayon ay 25 years-old na kung anong age nito balak magpakasal?

“I guess my son is the same as me in terms of being career-driven and, at this point in his life, I know that he really wants to focus on this while he still has the chance,” sagot ni Piolo.

“He has this opportunity to grow in this business. But should there be the time na sabihin niya sa akin na papakasal siya, you know, I would be happy for him. Of course, I’ll be there to support him through and through,” giit ni Piolo.

BASAHIN: Inigo Pascual reveals why he is now happy to ‘not just be called Piolo’s son’

Hindi ba siya naiinggit na karamihan sa kanyang mga kaibigan ay meron ng kanya-kanyang pamilya?

“Siyempre naman, tao lang tayo,” pag-amin ng Kapamilyq Ultimate Heartthrob.

“Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko yung mga halaman. Hindi…  joke lang!” biro pa niya.

“Hindi yan hinahanap, dumarating na lang yan. I believe in destiny, in something that happens out of fate and divine intervention. I believe in magic, I believe in something electrifying.

“I will know it when the person comes and gives me that feeling. At the end of the day, it’s about the heart or my special feelings for the person,” katwiran pa ni Papa P.