• Home
  • Fresh Scoops
  • Binasag na sa wakas ng lead guitarist ng bandang Eraserheads na si Marcus Adoro ang kanyang katahimikan.

Marcus Adoro, humingi ng tawad sa gitna ng batikos

Binasag na sa wakas ng lead guitarist ng bandang Eraserheads na si Marcus Adoro ang kanyang katahimikan.

Marcus Adoro, humingi ng tawad sa gitna ng batikos-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/27/2022 11:08 AM
Marcus Adoro, humingi ng tawad sa gitna ng batikos
Photo credit to Philstar.com/Jan Milo Severo

Binasag na ng lead guitarist ng bandang Eraserheads na si Marcus Adoro ang katahimikan sa gitna ng mga batikos sa kanyang pagsali sa inaabangang reunion ng grupo itong darating na Disyembre 22.

Ito ay matapos na akusahan si Marcus, 50, ng physical at verbal abuse ng kanyang anak na si Syd Hartha, pati na ng dating partner nito na si Barbara Ruaro.

READ: Eraserheads member Marcus Adoro’s assault controversy resurfaces following concert announcement


Sa kanyang post sa Instagram, isang mensahe ang ibinahagi ni Marcus kung saan humingi ito ng tawad sa anak at Eraserheads bandmates na sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, at Buddy Zabala.

Humiling din siya ng pangawalang pagkakataon mula sa publiko. Aniya, sana ay patuloy pa rin ang suporta ng fans sa Eraserheads reunion dahil alay umano nila sa lahat ito.

"I've lost contact with my daughter for years now. Recently, I've tried to reach out to her through her manager, but I'm not sure if my messages are getting through. So, I'm making this post,” ani Marcus.

"Syd, saan ka man, I hope you're doing well. As you already know, I'm far from perfect kaya normal if you want nothing to do with me. Sana lang magkaroon ng second chance for redemption. I'm sorry for the ruckus that I may have caused my family, the public the sponsors, and my bandmates. Pasensya na.”

READ: Barbara Ruaro says she hasn’t received an apology from Marcus Adoro

"I also want to thank the people who are supporting E-Heads' art. Please continue to support the E-Heads reunion. Alay po sa ating lahat ito,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ng manager ni Ely na si Diane Ventura na isa sa mga kundisyon ni Ely bago ito pumayag sa nasabing reunion ang kasunduang aayusin muna ni Marcus ang mga isyu na kinakaharap nito.

"This was promised by Marcus’s management which was why we even reconsidered. To call Ely an enabler is categorically false and absurd. We do not condone abuse that is absolute. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability," giit ni Ventura.

“However, we will do what we can to encourage peace, and resolution and will never get in the way of possible reconciliation or second chances between families, We are hoping for good to come out of this.”

Nagsalita na rin ukol sa kontrobersiya sina Raymund at Buddy. Paliwanag ni Buddy, wala umano sa kanilang mga kamay ang desisyon kung tatanggalin ba sa Eraserheads reunion si Marcus dahil giit niya, hindi na sila magkaka-banda.

“It’s so easy to forget we’re not a band anymore. We are a broken up band. We’re all contacted individually, so when [we’re] invited to do a show with the Heads, for the Heads, ang trato sa’min paisa-isa,” ani Buddy sa panayam ng Rappler.

Samantala, hinikayat naman ni Raymund si Marcus na personal na makipag-usap sa kanya tungkol sa isyu. Dagdag ng drummer, noong pumayag siya na gawin ang concert ay inasahan na niya na magkakaroon ng kontrobersiya hinggil sa pagsali ni Marcus sa reunion.

“That’s OK. Kasali ’yun. When we agreed to do the show, we knew all of these could happen. I will not invalidate everybody’s opinion and feelings,” ani Raymund. 

Mensahe niya kay Marcus: “If you’re my friend, you text me. I will discuss it to you privately. Anything I will say publicly online can be misconstrued. After saying that, I want to protect everybody’s privacy, everybody involved.”

READ: It’s happening! Eraserheads to hold concert for the first time in years

Gaganapin ang inaabangang Eraserheads reunion itong darating na Disyembre 22 sa SMDC Festival Grounds sa Paranaque City para sa Huling El Bimbo concert.