• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagalit at naawa sina Nadine Lustre at Karen Davila sa isang street sweeper na biktima ng hit-and-run.

Nadine Lustre at Karen Davila, ikinagalit ang pagbangga sa street sweeper sa Parañaque

Nagalit at naawa sina Nadine Lustre at Karen Davila sa isang street sweeper na biktima ng hit-and-run.

Nadine Lustre at Karen Davila, ikinagalit ang pagbangga sa street sweeper sa Parañaque-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/26/2022 11:54 AM
Nadine Lustre at Karen Davila, ikinagalit ang pagbangga sa street sweeper sa Parañaque
Photo credit to @nadine and @iamkarendavila Instagram

Lubos na ikinigalit ni Nadine Lustre ang pagbangga sa isang matandang street sweeper habang naglilinis ito sa Parañaque City noong Sabado, Setyembre 24.

Sa Twitter, isang CCTV footage ang ibinahagi ni Nadine kung saan makikita ang paghagip ng isang sports utility vehicle sa biktima sa BF Homes subdivision sa Parañaque.

“Di ko ma-explain yung galit ko,” saad ng aktres sa kanyang tweet, na kalaunan ay kanya ring binura.


“I deleted my tweet with the vid. Just realized that it’s very triggering,” paliwanag ni Nadine.

Nadine Lustre at Karen Davila, ikinagalit ang pagbangga sa street sweeper sa Parañaque

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, agad ding naaresto ang suspek sa hit-and-run matapos siyang makilala sa CCTV. Depensa umano ng driver, puyat suya at ginagamit ang cellphone niya kaya hindi niya napansin ang biktima at dire-diretso lang siya sa kanyang pagmamaneho.

“Not buying the whole ‘unaware’ bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka,” reaksyon ni Nadine.

Samantala, agad namang isinugod ang biktima, 63, sa Ospital ng Parañaque, bago siya inilipat sa Philippine General Hospital sa Maynila kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling.

Bukod kay Nadine, naawa rin sa nasabing biktima ang broadcast journalist at vlogger na si Karen Davila.

“THIS IS SO EVIL!!!” ani Karen sa kanyang Instagram Stories.

Nadine Lustre at Karen Davila, ikinagalit ang pagbangga sa street sweeper sa Parañaque

Nanawagan naman ng tulong si Karen para sa street sweeper na nagtamo umano ng sugat sa kanyang ulo at mukha.

“Atrocities like this need to STOP. And the victim, Lola Doreen, needs our help,” ani Karen.

“Let’s please help her as she has a broken skull and is fighting for her life at the hospital.”

Ayon sa ABS-CBN News, nasa kustodiya na ng pulis ang driver na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury.