• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ng bagong K-pop group na Lapillus ang mga OPM artists na nais nilang makatrabaho.

Lapillus, nais maka-trabaho sina Maymay Entrata at Yeng Constantino

Ibinahagi ng bagong K-pop group na Lapillus ang mga OPM artists na nais nilang makatrabaho.

Lapillus, nais maka-trabaho sina Maymay Entrata at Yeng Constantino-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/26/2022 03:11 PM
Lapillus, nais maka-trabaho sina Maymay Entrata at Yeng Constantino
Photo credit to @maymay, @official.lapillus, and @yeng Instagram

Ibinahagi ng bagong K-pop group na Lapillus ang mga OPM artists na nais nilang makatrabaho.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @official.lapillus

Sa online show na PUSH Bets Live, ibinahagi ng members na sina Chanty, Shana, Yue, Bessie, Seowon, at Haeun na nais nilang maka-collaborate ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino.


Bukod kay Yeng ay hiling din umano ng grupo, lalo na ng rapper na si Seowon, na maka-collaborate ang aktres na si Maymay Entrata.

“Napanood niya ‘yung kanta ni Ate Maymay na ‘Amakabogera.’ Gustong gusto niya. Super na-shock siya kay ate Maymay,” paliwanag ni Chanty, na isang Filipino.

READ: Chanty officially debuts as a K-Pop artist with Lapillus

Samantala, masaya at excited umano ang Lapillus sa kanilang unang pagbisita sa Pilipinas para sa kanilang “HIT Ya, Pilipinas!: Lapillus Manila Tour” nitong buwan.

“We just feel so honored and so happy to be loved by our fans and just everyone here in the Philippines,” ani ng vocalist ng grupo na si Yue.

“Chanty has been telling us a lot about how great the Philippines is and how lovely the Filipinos are. And being able to come here and actually experience it, and just see how excited and enthusiastic they are for Lapillus, makes me feel so and just feel so loved to be here.”

Matatandaan na nitong lang Hunyo nang mag-debut ang grupong Lapillus kasabay ng kanilang studio album na Hit Ya! sa ilalim ng MLD Entertainment.

Kasunod nito ay muling naglabas ang banda ng bagong extended play (EP) nitong Setyembre na pinamagatang "Girl's Round Part 1." Kabilang sa record ang pinakabagong single ng grupo na “Gratata.”

Samantala, game na game naman na sinubukan ng Lapillus ang ilang sikat na pagkaing Pinoy sa kanilang paglabas sa PUSH Bets Live, kabilang na ang turon, lumpiang shanghai, sizzling tofu, sisig, at sinigang. Mapapanood ang nasabing episode dito:

Itong darating na Oktubre ay nakatakdang mag-perform ang Lapillus sa K-pop festival na KAMP sa Los Angeles sa Amerika, kasama ang ilang sikat na K-pop acts kabilang na ang Super Junior, Kai ng bandang EXO, Monsta X, at iKON.