• Home
  • Fresh Scoops
  • Simula na ng laban sa Pinay beauty na si Gabrielle Basiano para sungkitin ang third crown sa Miss Intercontinental para sa Pilipinas.

Bb Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano off to Egypt

Simula na ng laban sa Pinay beauty na si Gabrielle Basiano para sungkitin ang third crown sa Miss Intercontinental para sa Pilipinas.

Bb Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano off to Egypt-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/26/2022 06:43 PM
Bb Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano off to Egypt
Photo credits: @gabriellebasiano on Instagram

Off to Sharm El Shiek, Egypt na ngayon ang pambato ng Pilipinas na si Gabrielle Basiano para sa gaganapin na 2022 Miss Intercontinental beauty pageant.

Si Gabrielle ang Eastern Samar Beauty na kinoronahan ng Binibining Pilipinas para sungkitin ang third title sa Intercontinental beauty pageant.

Sa social media post ng pageant camp ng Pinay beauty, makikita ang detailed departure look ni Gabrielle kung saan ibinida niya ang kaniyang elegant look na tinawag na “Pag-Ani”


"PAG-AN!"

“Bearing the fruit of labor of all Filipinos working hard in the country and across the world, reaping the success with pride as I represent the Philippines in the 50th Miss Intercontinental in Sharm El Sheik, Egypt,” ayon sa RL Angels pageant camp sa kanilang IG post.

Bukod sa pasabog look ng Intecontinental beauty, bitbit rin nig Pinay beauty ang pag-asa ng back to back win sa Miss Intercontinental para sa Pilipinas.

“Muli nating ibabandera ang watawat ng Pilipinas sa Miss Intercontinental,” bungad ng Pinay beauty sa caption sa kaniyang Instagram post.

Alay rin ng kandidata ang magiging laban para sa kapwa Pilipino na patuloy rin ang suporta sa kaniya.

“Ang laban na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng samabayanang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas.”

Samantala, bago pa man umalis patungong Egypt, isa na ang pambato ng Pilipinas sa mga top favorites ng pageant enthusiasts na ipinagpasalamat ng kandidata.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Yes I see hot picks na po. And I am very thankful na talagang nakikita nila ‘yung efforts ko for that pageant, eto na pressured but good pressure po kaya gagalingan ko po,” masayang sambit ng pinay beauty sa PUSH.

Talking about pressure, masasabi rin na isa nang pageant veteran ang Eastern Samar beauty na itinodo na ang kaniyang efforts mula sa kanyang experiences thorough out the years of her pageant career.

“I’m very happy. Kasi I’ve been praying for this moment na ilang years talaga ang inano ko just to represent the Philippines. And right now, given this opportunity, I will not waste it, I will give my very, very best to get that back-to-back crown for the Philippines,” aniya.

Si Cinderella Obiñeta ng Pilipinas ang reigning Miss Intercontinental title holder na magpapasa ng korona sa 2022 Miss Intercontinental beauty sa darating na October 14, 2022.

Kung papalarin, si Gabrielle ang magiging third Pinay beauty na ang kokoronahan sa Miss Intercontinental na unang nakuha ni Karen Gallman noong 2018.

READ: Cinderella Faye Obeñita is Miss Intercontinental 2021

READ: Karen Gallman wins Miss Intercontinental