• Home
  • Fresh Scoops
  • Nahirapan din si Krystal Brimner sa kanyang ‘awkward stage’.

Krystal Brimner, nakaranas ng rejection sa showbiz

Nahirapan din si Krystal Brimner sa kanyang ‘awkward stage’.

Krystal Brimner, nakaranas ng rejection sa showbiz-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/25/2022 08:38 AM
Krystal Brimner, nakaranas ng rejection sa showbiz

From being an award-winning child actress, new journey ngayon as a singer-performer ang nais tahakin ng Star Magic Artist na si Krystal Brimner.

Si Krystal ay unang nakilala as Annie sa international stage production na Annie: The Musical nang minsan itong ganapin dito sa Pilipinas.

Bukod sa Annie, nakilala rin siya bilang Angel sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na Honor Thy Father kung saan nakasama niya ang aktor na si John Lloyd Cruz. Nanalo din si Krystal as Best Child Performer para sa pelikula.


READ: EXCLUSIVE: Get to know MMFF Best Child Performer Krystal Brimner

Ngayong 2022, ipinagmalaki ni Krystal ang kaniyang bagong single na “Let Me Be”.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by StarPop (@starpopph)

“Yung new single ko po is basically all about self-expression po ng mga kanta ko,” bungad ni Krystal sa panayam ng PUSH at Cinema News.

Ayon kay Krystal, perfect ang kaniyang bagong single sa image niya ngayon as singer-performer.

“May isa po akong sinulat sa buo ko pong EP and ‘yung iba po was given to me by Star Music and Star Pop and ako na lang po ang nagbigay buhay sa mga kanta. ‘Yung lyrics hindi ko na po ‘yun iniba pero hindi ko na po pinalitan, kasi nagustuhan ko naman po ang lyrics pero ang ginawa ko na lang po is nilagyan ko na lang ng my own flavor sa pagkanta and kung paano ko po siya i-portray.”

Tulad ng ibang child star, hindi rin naging madali para kay Krystal ang kaniyang pinagdaanan sa mundo ng show business.

“‘Yung biggest challenge ko po, I think, was rejection. And in showbiz naman po talaga, very normal ang rejection. Hindi po siya… yung success hindi po siya overnight. Kailangan po talaga siya maging passionate ka talaga sa gusto mo,” ani ng former child star.

Dahil nagsimula at a very young age, mulat rin si Krystal sa kaniyang image na masasabi rin niya as one of her biggest challenge in conquering her dreams.

“Isa pa po sa mga challenge na nadaanan is awkward stage ko kasi po, very bata pa po ako noon, I was 12 and awkward stage po ang age ko. Kaya when turned 15, I feel I have more chances to work,” sambit ni Krystal.

From all the negativity na kaniyang na-experience, naging daan ito for Krystal to transform her image.

“Kasi noong nag-start pa lang po ako, parang laru-laro lang po and parang ano lang siya for me dream lang talaga. Pero ngayon, I take my craft seriously na po and feeling ko mas confident na po ako mag-perform and more passionate [ako] now,” ani Krystal.

Sa kanyang transformation, very much confident na rin aniya siya na i-explore muli ang kaniyang talent as an artist.

“Of course gusto ko rin po mag-acting po ulit, pero right now, music po muna ang pinu-pursue ko. Pero I can also do both at the same time which is really great rin po so kahit saan naman po ako magpunta, feeling ko makaka-adapt naman po ako,” pahayag ni Krystal.

Focused si Krystal na tapusin rin ang kaniyang pag-aaral habang ipinapagpatuloy ang kaniyang passion as singer-performer and as an artist.