• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinaliwanag naman ni Kim Chiu kung bakit ganoon ang kanyang reaksiyon tuwing hindi nagtetext o nagmemessage sa kanya si Xian Lim.

Kim Chiu, napapraning kapag hindi tinetext at tinatawagan ni Xian Lim

Pinaliwanag naman ni Kim Chiu kung bakit ganoon ang kanyang reaksiyon tuwing hindi nagtetext o nagmemessage sa kanya si Xian Lim.

Kim Chiu, napapraning kapag hindi tinetext at tinatawagan ni Xian Lim-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/25/2022 07:26 PM
Kim Chiu, napapraning kapag hindi tinetext at tinatawagan ni Xian Lim
Photo Credit: @chinitaprincess on Instagram

May nakakatawang rebelasyon ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa kanilang relasyon.

 

 

Napanood nina Kim Chiu at Xian  Lim ang Korean version ng Always na pinagbidahan nina So Ji Sub at Han Hyo Joo. This time ay ang real-life couple naman ang bibida sa Pinoy adaptation ng Korean hit movie na ipinalabas noong 2011. 

“Noong nabanggit lang po ang pelikula, saka namin ni-research. Noong pinanood ko, inisip ko, sabi ko, parang puwede. Siyempre, hindi naman automatic na ako yan. 

“Puwedeng ako ang character ng lalaki, swak na swak. Pero definitely, just the consideration or opportunity na naisip ni Viva at i-cast po ako and si Kim, meant a lot to me,” masayang kuwento ni Xian.

Dagdag niya: “And kumbaga, nakakataba naman ng puso na sa dami po ng artists, marami pong artista ngayon, kami po ang dalawang naisip nila. Kaya sabi ko, that’s great. Parang we can work on this material.”

Reaksyon naman dito ni Kim: “Nung in-offer ‘to, hindi ko pa siya napanood. Pinapanood lang nila Tita June Rufino sa akin yung movie kasi wala pa siya sa Netflix nung time na yon. Actually, ini-offer ito after Love Thy Woman (ipinalabas sa ABS-CBN noong 2020) na teleserye namin.”

“And ‘yun nga, mahabang talakayan, umabot ng years hanggang sa nakapag-shoot nga kami this year lang. Pinanood ko, parang naano ko… kasi hindi pa ako nakakagawa ng ganun. Sa MMK (Maalaala Mo Kaya) siguro, kaya ‘yun, pero sandali lang. But this time, sa isang pelikula, parang kaya ko naman sigurong aralin,” dagdag pa ni Kim.

Read: Kim Chiu, Xian Lim’s reunion film to open in cinemas this September 28

“And never akong nabibigyan ng ganitong genre ng movie so far. Palaging rom-com, comedy, horror. Hindi pa ako nabibigyan ng simpleng kuwento na heartfelt lang. So, ‘yun, na-happy naman ako,” pagpapatuloy pa ni Kim.

Nabanggit din ni Kim kung paano pinaghandaan ni Xian ang karakter nito sa movie bilang isang boksingero.

“Noong nalaman ni Xian, the next day, nag-aano na siya (naghahanda), sabi ko, ‘Wala pa nga tayong shooting.’ Sabi ko, ‘Di pa nga natin alam kung puwede na ba akong gumawa ng movie sa Viva’,” ani Kim.

“Sabi ko, ‘Anong nangyari sa ‘yo?’ So ‘yun, ‘eto na kami… tapos na ang movie,”  kuwento pa ni Kim.

Dahil Always ang title ng bagong pelikula ng KimXi, ano ba ang always nilang nami-miss sa isa’t isa?

“Always kong nami-miss kapag hindi siya tatawag sa akin. Kapag hindi siya tumatawag or nagte-text, kinakabahan na talaga ako,” sagot ni Kim.

“Kasi, always kaming nagtatawagan or nagpe-FaceTime or nag-a-update kung nasaan siya. Kapag hindi na siya nagte-text, du’n na. Kasi, wala na yung always call, eh. Kapag hindi siya nagme-message, kabahan talaga ako,” sey pa ng aktres.

Sabi naman ni Xian: “Halos the same din, pero for me, specifically kapag hindi nakapag-good morning si Kim. Very important sa akin na marinig ang boses niya pagkagising namin.

“Kasi, I already know, alam ko na ang schedule ni Kim na meron siyang trabaho in the morning. So, right after mamulat ang mga mata ko, parang kailangan kong marinig ang good morning niya. I just have to feel that ray of sunshine,” dagdag pa niya.

 

 

Natatawang hirit naman ni Kim: “I just have to know na buhay pa siya!” Na sinagot ni Xian ng, “Ang sarap lang sa pakiramdam na yon ang parang pinaka-kape ko. Malakas pa sa kape.”

Ang Always ay mula sa direksiyon ni Dado Lumibao at ipalalabas na sa mga sinehan nationwide simula sa September 28.