Anak ni Vic Sotto na si Tali, nag-aartista na rin; Pauleen Luna, handa nang maging stage mother

Anak ni Vic Sotto na si Tali, nag-aartista na rin.

Anak ni Vic Sotto na si Tali, nag-aartista na rin; Pauleen Luna, handa nang maging stage mother-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/25/2022 07:34 PM
Anak ni Vic Sotto na si Tali, nag-aartista na rin; Pauleen Luna, handa nang maging stage mother
Photo Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Nag-aartista na rin ang unica hija nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali Sotto. Kasama nina Vic at Pauleen ang anak sa programang Love, Bosleng and Tali ng NET25.

 

 

Eh, bakit nga ba at a very young age ay pinayagan na rin nilang mag-artista si Tali?

“Pagka iyon ang kinalakihan niya, napapanood niya sa TV ‘yung daddy niya, ‘yung mommy niya. Hindi mo maaawat, eh!” sagot ni Vic nang makausap siya ng PUSH. “Siguro nasa dugo na niya, nasa dugo niya siguro ang magaling na singer, magaling na aktres,” sabay-turo ni Bossing kay Poleng.

Read:Pauleen Luna, Vic Sotto mark 10th anniversary

Dagdag pa niya: “’Yung pagka-comedian naman, eh, sa kanya pa rin namana,” sabay turo ulit ni Vic sa asawa.

“Kasi behind the camera she’s very funny. Nakakatawa siya, eh. And hilig, eh! Eh, alam mo na, pag ang hilig ng bata, hindi mo maaawat, eh, hindi mo mapipigil,” dagdag pa ni Vice.

“So ang importante naman, eh, nag-e-enjoy siya, na enjoy siya sa ginagawa niya, looking forward siya parati pagka may taping kami,” biglang seryosong pahayag naman ni Vic.

Ayon naman kay Pauleen: “For me, what’s also nice is that we are present dun sa kumbaga first acting experience niya. We can lead her, we can, you know, somewhat protect her. And also I think, she’s very fortunate dahil ‘di ba, she’s given this chance to learn from the best!”

Read:LOOK: Pauleen Luna conquers fear of heights for daughter Tali

At dahil nga pareho ring artista sina Vic at Pauleen kaya hindi na naging mahirap para sa kanila ang magdesisyong subukan din ng kanilang anak ang pag-aartista.

“Parang wala namang pagkukumbinsing nangyari,” sabi pa ni Pauleen.

Tinanong din si Pauleen kung kasing laki rin ba ng talent fee nila ni Bossing ang talent fee ni Tali?

“Sa kanya naman napunta ‘yung talent fee ko,” natatawang sagot dito ng ina ni Tali.

Anyway, nagsimula ang showbiz career ni Pauleen nang maging bahagi siya ng Star Circle Batch 11 noong 2002.

Sa pagpasok ni Pauleen bilang artista ay araw-araw nitong kasama ang inang si Mommy Chat sa kanyang mga tapings at iba pang showbiz commitments.

 

 

Ganito din ba ang gagawin niyang pagbabantay kay Tali?

“Sa tingin mo?” natatawang balik-tanong niya sa amin. “Nung bata ako sinasabi ko, ‘Ay naku, kahit kailan hindi ako magiging katulad ni mommy’,” aniya.

“Kasi si mommy binitawan niya lang ako parang I was 22, 23, so imagine from 13 to early 20s kasama ko talaga siya every single day,” patuloy niya.

“But nakabuti naman. Hindi naman ako naligaw ng landas. I mean, showbusiness is…  madaming tao, they come from different walks of life so maganda talaga na may  nagli-lead at nagga-guide,” katwiran pa niya.

So, magiging stage mother nga siya?

“Malamang!” direktang sagot ng aktres. “But you know, kapag nakita mo naman siguro na mapagkakatiwalaan mo siya siguro mas lenient ako nang konti,” saad ng misis ni Vic.

 

 

“Ako kasi masyado akong mabait, eh. Masyado akong gullible, masyado akong paniwalain. Madali akong madala sa alon kaya siguro mas strict yung mom ko sa akin,” ani Pauleen.

“But you know if I see that Tali is strong, at kaya niya, siyempre hahayaan ko rin naman siyang magdesisyon for herself,” huling pahayag ni Pauleen sa PUSH.