• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Paul Basinillo ang direktor ng sold-out concerts ni Sarah Geronimo.

Director Paul Basinillo explores a different genre of filmmaking

Si Paul Basinillo ang direktor ng sold-out concerts ni Sarah Geronimo.

Director Paul Basinillo explores a different genre of filmmaking-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/23/2022 06:09 PM
Director Paul Basinillo explores a different genre of filmmaking

Proud at masayang-masaya ang concert director and now film director na si Paul Basinillo sa kaniyang latest project na The Escort Wife.

Ang The Escort Wife ay ang first dramatic-sexy thriller movie project ng direktor after ng kaniyang 2019 dance movie project na Indak starring Sam Concepcion and Nadine Lustre.


Ayon kay Direk Paul na masasabing nagsisimula sa pag-explore ng kaniyang craft as a film director, hindi aniya naging mahirap ang kaniyang adjustment sa pagsabak sa mga pelikula.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

“Basically, wala naman masyadong adjustments kasi sanay naman tayo makipag-deal sa mga artista. It’s just the narrative part I think. I had to make adjustments,” bungad ng direktor sa atin.

Kasabay ng proseso aniya ng kaniyang pag-sabak sa pelikula, nagpasalamat ang direktor sa gabay ng kaniyang mga kaibigan.

“Thankfully, kasama natin sila direk Yam Llaranas at ang mga magagaling na writer na talagang mga tao sa pelikula and nagabayan naman nila ako to come up with a content and a narrative na napaka-ganda na sana ay magustuhan ng nga manunuod.”

Masasabi man na baguhan sa paggawa ng pelikula, isa rin sa ating naitanong kung masungit nga ba siyang director. “No,” masayang sambit ni direk. Patuloy niya: “I am a very collaborative director and masasabi kong mabait ako sa set kasi gusto akong makasama ng mga ka-trabaho natin.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

Thankful rin si Direk Paul sa mga stars na kaniyang nakasama sa kaniyang pekikula na sina Janelle Tee, Ava Mendez, at ang award winning actor na si Raymond Bagatsing na naging professional sa kanilang mga eksena.

“Well sila ang nag-adjust sa akin and I am so happy naman sa results kasi it’s just a matter of directing them and tingnan lang naman kung ano ang kailangan ng mga artist kasi sobrang professional naman lahat.”

Bukod sa The Escort Wife na napapanood na sa Vivamax, ilang movie projects na rin ang niluluto ni direk Paul na aabangan ng marami.