• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakakataba ng puso para kay Wilbert Ross ang paghanga sa kanya ni Miss Int’l Queen Fuschia Anne Ravena.

Wilbert Ross nang malamang crush siya ni Miss Int’l Queen Fuschia Anne Ravena: ‘Hala, bakit ako?’

Nakakataba ng puso para kay Wilbert Ross ang paghanga sa kanya ni Miss Int’l Queen Fuschia Anne Ravena.

Wilbert Ross nang malamang crush siya ni Miss Int’l Queen Fuschia Anne Ravena: ‘Hala, bakit ako?’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/22/2022 02:54 PM
Wilbert Ross nang malamang crush siya ni Miss Int’l Queen Fuschia Anne Ravena: ‘Hala, bakit ako?’
Photo credit to @itswilbertross and @fuschia_ravena Instagram

“Chick boy” at habulin ng mga babae ang image na palaging pino-project ng mga karakters na ginagampanan ni Wilbert Ross sa mga pelikula at serye ng Vivamax kaya naman nagiging idolo siya ng mga kalalakihan ngayon. Nadagdagan din ang kanyang mga gay admirers na ipinagtataka nia nang sobra dahil hindi daw naman siya hunky actor.

Isa na nga sa may malaking crush sa kanya ay ang 2022 Miss Int’l Queen na si Fuschia Anne Ravena.

“Nakakataba po ng puso. Sa dinami-dami ng actor sa Philippine showbiz ako po ang napili niya na maging showbiz crush. Napatalon nga ako nun eh,” masayang reaksyon ni Wilbert. 


“Andyan naman sina Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla kaya parang napapatanong ako. ‘Hala, bakit ako?' in a good way.

“Nakakatuwa. Masaya ako sa ganun kasi nag-a-admire sila sa akin. Salamat… salamat,” dagdag ni Wilbert na muling bibida sa sex comedy film ng Vivamax na 5-in-1.

BASAHIN: Wilbert Ross okay lang kahit tawaging ‘bold star’ ng mga dating kasamahan sa ‘It’s Showtime’

Sa palagay niya, bakit natitipuhan siya ng mga beki? Bukod kasi kay Fuschia ay type na type din siya ng isang popular gay fashion designer.

Sagot ni Wilbert, “Ang usual po na mga sagot nila, more on attracted sila sa singing ko. Kapag nakikita nila yung covers ko online.”

Nagbigay din si Wilbert ng reaksyon sa mga kalalakihang tumatawag sa kanya ng “lodi” dahil sa mga projects niya sa Vivamax.

Lahad niya, “Marami akong nakikitang comments na idol ang tawag nila sa akin. Kasi, parang yung mga pinagnanasaan nilang babae sa Vivamax, kumbaga, halos required na dumaan sa akin.

“Pero alam ko naman sa sarili ko na wala lang. May nabasa akong comment na tuwang-tuwa po ako. Papanoorin niya raw ako hindi dahil sa paghuhubad ko but because of my comedy.

“May nababasa rin ako na makikita na naman daw yung puwet ko. Para sa akin, okay lang. It’s good kasi the main thing about sexy movies is to make the people malibugan. Ibig sabihin, effective ako, so okay lang sa akin.

“Pero ang sinasabi ng mga tao, ang bait daw ng mukha ko. Mukha raw akong virgin. Parang wala raw akong kasalanan sa mundo.”

Ang 5-in-1 ay kuwento ng isang lalaki na sabay-sabay nakarelasyon ang limang babae na gagampanan naman nina Rose Van Ginkel, Debbie Garcia, Ava Mendez, Jela Cuenca, at Angela Morena.