• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaabot ng kanilang suporta ang mainstay hosts ng ‘It’s Showtime’ para kay Vhong Navarro na nahaharap ngayon sa kasong rape.

‘It’s Showtime’ hosts, nagpaabot ng suporta para kay Vhong Navarro

Nagpaabot ng kanilang suporta ang mainstay hosts ng ‘It’s Showtime’ para kay Vhong Navarro na nahaharap ngayon sa kasong rape.

‘It’s Showtime’ hosts, nagpaabot ng suporta para kay Vhong Navarro-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/21/2022 10:55 AM
‘It’s Showtime’ hosts, nagpaabot ng suporta para kay Vhong Navarro

Nagpaabot ng kanilang suporta ang mainstay hosts ng It’s Showtime para kay Vhong Navarro na nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness at rape.

Sa September 20 episode ng programa, isang mensahe ang ipinaabot ng matalik na kaibigan ni Vhong na si Jhong Hilario para sa aktor.

“Kuys Vhong, nandito lang kami. Kapit lang. We love you,” ani Jhong.


Samantala, pinangunahan naman ng main host na si Vice Ganda ang group hug para kay Vhong.

“Yes, kuys Vhong, mag-group hug tayo para kay Vhong,” ani Vice. “Love you, Vhong. We will all be praying for you.”

READ: Vhong Navarro, nilipat na sa NBI detention center

Matatandaan na nahaharap si Vhong sa mga kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa noong 2014 ni Deniece Cornejo. Nito lamang Lunes, Setyembre 19, nang maghain ang Taguig Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa kanya. 

Sa ngayon ay nasa kustodiya na si Vhong ng National Bureau of Investigation matapos niyang boluntaryong sumuko. Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng aktor na handa siyang makipag-tulungan sa mga awtoridad kaugnay sa kanyang kaso.

“Ever since na nagsimula 'to, nagsabi ako ng katotohanan. Hindi ako nagsinungaling. Consistent ako dun sa mga affidavit namin. Kumbaga lahat kinwento ko dun. 'Di ba paulit-ulit kong sinasabi, ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko rito ay 'yung niloko ko 'yung girlfriend ko noon at ito na 'yung wife ko noon,” ani Vhong.

Nito lamang Hulyo nang binawi at binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng Department of Justice noong 2018 at 2020 na ibasura ang reklamong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong. 

READ: Vhong Navarro on arrest warrant: ‘Ang hirap paniwalaan’

Ayon sa naunang ulat ng ABS-CBN News, maaaring mag-bail si Vhong sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya sa halagang P36,000. Samantala, non-bailable naman ang rape case na inihain laban sa kanya ni Deniece.