• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Cristy Fermin, lumipat daw sa condo si Heart Evangelista.

Cristy Fermin, ibinunyag ang umano’y pagbukod ni Heart Evangelista ng bahay kay Chiz Escudero

Ayon kay Cristy Fermin, lumipat daw sa condo si Heart Evangelista.

Cristy Fermin, ibinunyag ang umano’y pagbukod ni Heart Evangelista ng bahay kay Chiz Escudero-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

09/21/2022 04:49 PM
Cristy Fermin, ibinunyag ang umano’y pagbukod ni Heart Evangelista ng bahay kay Chiz Escudero
Screenshot from Showbiz Now Na! YouTube Channel and photo credit to @iamhearte Instagram

Matapang na ibinunyag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na umalis na si Heart Evangelista sa tinitirhan nilang bahay ng kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero. 

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t-kanang spekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nilang mag-asawa kasunod ng desisyon ni Heart na tanggalin ang apelyido ng kanyang asawa na “Escudero” sa kanyang Instagram account. 


Matatandaang umugong ang bali-balitang hiwalay na ang mag-asawa habang may ilan namang lumalabas na balita na lilipat na si Heart upang tuparin ang kanyang pangarap na bumuo ng sariling tahanan doon. 

READ: Heart Evangelista reveals building new home in Paris amid separation rumors

Ibinunyag ni Cristy ang nakakagulantang na balita sa kanyang YouTube vlog na Showbiz Now Na!

“Umalis na po si Heart Evangelista sa bahay nila ni Sen. Chiz. Naka-condo na siya ngayon. Humiwalay na siya,” ani Cristy. 

Ito ay matapos umanong magpa-tour ni Heart sa kanyang bagong condo. Matatandaang naglabas ng vlog si Heart tungkol dito noong ika-10 ng Setyembre. 

“Nando’n na siya ngayon… Sa ngayong sitwasyon, ano’ng gusto niyang ipamarali sa ating mga kababayan?” aniya. 

Samantala, pinabulaanan naman ni Cristy na may namamagitan kay Heart at isang Italyano. 

“‘Yun palang sinasabing lalaki na nauugnay ngayon kay Heart na isang Italyano, girlash daw,” saad niya. 

READ: Heart Evangelista’s mother knows that the couple will be ‘ok’

“Kahit sino ngayon ang makasama nilang mag-asawa, ituturo na ‘yun ang dahilan ng hiwalayan. Kahit sino,” dagdag pa niya.