• Home
  • Fresh Scoops
  • Bibida sa bagong teleserye ng ABS-CBN ang tinaguriang ‘The Diamond Star’ ng showbiz na si Maricel Soriano.

Maricel Soriano, bibida sa bagong teleserye

Bibida sa bagong teleserye ng ABS-CBN ang tinaguriang ‘The Diamond Star’ ng showbiz na si Maricel Soriano.

Maricel Soriano, bibida sa bagong teleserye-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2022 10:19 AM
Maricel Soriano, bibida sa bagong teleserye
Photo credit to @officialmaryaph Twitter

Bibida sa bagong teleserye ng ABS-CBN ang tinaguriang “The Diamond Star” ng showbiz na si Maricel Soriano.

Ito ang kinumpirma ng beteranang aktres sa kanyang post sa Twitter kung saan ibinahagi nito ang kanyang meeting kasama ang ilang executives ng Kapamilya network.

 


Kabilang sa mga ito ay ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal, executive-in-charge of production na si Erick Salud, executive-in-charge of creatives na si Rondel Lindayag, at creative manager na si Danica Domingo.

Nag-post din siya ng retrato kasama ang mga direktor na sina Manny Palo at Jojo Saguin.

Sa ngayon ay wala pang ibang inaanunsyong detalye tungkol sa bagong teleserye ni Maricel.

READ: Maricel Soriano, mapapanood sa isang US rom-com film

Matatandaang huling napanood ang beteranang aktres sa primetime serye na Ang Sa Iyo Ay Akin na nagtapos noong nakaraang taon.

Bukod sa Ang Sa Iyo Ay Akin, bumida rin si Maricel sa Dreamscape serye na The General’s Daughter noong 2019.